Cass, matindi ang tama kay Binoe!
December 14, 2006 | 12:00am
Ipinanganak at lumaki sa Davao si Cass Ponti kaya pamilyar ito sa kultura at tradisyon ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao lalo na tungkol sa pag-aasawa. "Di ba ang sabi, hanggang five puwedeng mag-asawa ang isang Muslim basta lang puwede niyang i-provide ang mga kailangan ng magiging pamilya niya?" sabi nito.
Kaya nang naitanong ito sa presscon ng Shake, Rattle & Roll 8 ng Regal Entertainment tungkol sa posibilidad na papatol siya kay Robin Padilla ay nakangiti itot walang kagatol-gatol na umoo. "Why not. Kasi Muslim naman siya at puwedeng magkaroon ng maraming asawa. Saka Robin Padilla yon eh," pagmamalaki nito
Inamin nitong matagal na niyang type ang action star pero di naman ito nangangahulugang magpadalus-dalos itong papayag na magpakasal dahil hinahangaan niya ito. Payag naman itong maging second wife o pangatlo dahil naniniwala naman siya sa kasalang Muslim dahil may kontratang pipirmahan dito. "Kaya lang dapat maramdaman ko ang intensyon niya sa akin. Kapag nakita ko na yon at mapatunayang sincere siya, why not!" Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended