^

PSN Showbiz

Zsa Zsa Zaturnnah, di sinipot ang SOP!

-
May schedule raw ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh cast na mag-promote sa SOP last Sunday, pero nagulat ang mga nakakaalam dahil hindi sumipot sa nasabing programa ang sinuman sa cast ng ZZZ?

Kaya’t laking pagtataka ng mga taga-SOP nang mapanood nila ang ASAP 06 last Sunday, December 10 dahil kumpleto ang cast ng pelikula na sumasayaw at naka-costume pa.

At tsika rin sa amin na si Mother Lily Monteverde raw mismo ang nag-request sa taga-SOP na bigyan ng prioridad ang ZZZ.

During the last presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah nung Linggo (December 10) ng gabi ay naringgan namin si Zsazsa na nagtatanong kung bakit walang promo ang pelikula niya sa SOP?

At sa December 20, Wednesday, sa SM Megamall Cinema 10 ang premiere night ng pelikulang idinirek ni Joel Lamangan.
* * *
During the final presscon ng Mano Po 5, Gua Ai Di ng Regal Entertainment ay nalaman ng mga imbitadong entertainment writer kung ano ang kayang gawin ni Christian Bautista pag nagmahal siya ng babae.

Kadalasang kwento kasi ng mga lalaking nagmamahal ng todo-todo ay ipaglalaban nila ang babaing gusto nila sa magkabilang pamilya maski na ilang bagyo at sibat pa ang humarang.

Pero iba ang punto de vista ni Christian dahil tinimbang niya kung ano ang mas ikabubuti ng relasyon if ever na ipaglaban nga niya ang mahal niya.

"It’s like this, kung ang babaeng mahal ko ay hindi boto sa akin ang magulang niya, e, iisipin ko kung ano ang mas masisira ko, kung pinaglaban ko siya, tapos ang kapalit ay mawawalan siya ng family, e, hindi maganda kasi sinira ko ang malaking part sa buhay niya, I’d rather give-up or let her go kesa sirain ko ang family niya.

"Kasi kung talagang kami, no matter what, pagtatagpuin kami, so ganun ang sasabihin ko sa girlfriend ko na if ever na maghiwalay kami, at nagkitang muli, e, di kami," punto ng singing idol sa MP5.

"Good thing, boto sa akin ang parents ni Rachelle Ann Go," dagdag pa ng binata.

At sa December 21, Huwebes na ang premiere night ng MP5 sa SM North Edsa Cinema 7 sa ganap na 8NG. — Reggee Bonoan

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

GUA AI DI

JOEL LAMANGAN

KUNG

MANO PO

MEGAMALL CINEMA

MOTHER LILY MONTEVERDE

NIYA

NORTH EDSA CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with