^

PSN Showbiz

Tumutulong sa mga juvenile deliquents

-
Nasa lahi nga yata nina Kitchie Nadal ang pagkanta. We met her cousin Joy Velasco, a beautiful young girl with a golden heart. Kasalukuyang naghahanda ang dalagita para sa isang album.

Ayon sa kanyang very supportive mommy, hindi niya akalaing mahilig kumanta ang kanyang anak dahil mas nag-eexcel daw si Joy sa sports. Kaya naman nang malaman niyang gusto nitong maging singer like her cousin Kitchie, full support agad sila.

High school pa lang si Joy pero involved na siya sa mga socio-civic activities and charitable works. Maaga siyang namulat sa pagtulong sa mga less fortunate people dahil nasa Rotary Club ang kanyang mommy.

Right now, bukod sa kanyang pag-aaral ay abala si Joy sa karagdagang voice lessons bilang paghahanda sa kanyang album. Nakapag-TV guestings na rin siya at gaganapin ang kanyang first fundraising concert ngayong December 23 sa La Jura Music Bar kung saan magiging panauhin niya ang pop/rock singer na nagbabalik sa music scene na si Lance Raymundo. Ang kikitain dito ay ibibigay niya bilang Pamasko sa mga juvenile delinquents sa Cradle na tinutulungan niya taun-taon. – LCF

vuukle comment

AYON

JOY VELASCO

KANYANG

KASALUKUYANG

KAYA

KITCHIE NADAL

LA JURA MUSIC BAR

LANCE RAYMUNDO

MAAGA

ROTARY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with