ABC 5, babawiin ang titulo ng 1st Philippine Idol dahil may kontrata ito sa Viva?
December 13, 2006 | 12:00am
Gustong idemanda ni Mommy Deanne Magdayao si Borgy Manotoc dahil sa ginawa nitong pambabastos sa anak niyang si Vina Morales sa radio program ni Mo Twister two weeks ago.
Pero hindi na mangyayari dahil nakaganti na raw ang anak niya, "Okey na, sinampal na ni Vina si Borgy ng dalawang beses, okey na sa akin yun. Tama lang yun dahil binastos niya ang anak ko," masayang tinig ng ina ni Vina sa kabilang linya.
Late afternoon ng Lunes na rin nabalitaan ni Mommy Deanne ang nangyari dahil hindi naman daw iyon ikinwento ng anak sa kanya, ang manugang niyang si Frederico Moreno (anak ni Kuya Germs) lang daw ang nagkuwento sa kanya.
"Pasalamat siya (Borgy), yun lang ang natikman niya kay Vina at first time lang nangyari ito sa ilang taon na ni Vina sa showbiz. Kilala mo naman ang anak ko, maraming intrigang pinagdaanan yan, hindi yan pumapatol kung hindi grabe, e, ngayon lang nanampal ng tao," pahayag pa ni Mommy Deanne.
Balitang galit ang girlfriend ni Borgy na si Ornnusa Cadness kay Vina dahil sa harapan niya ito sinampal at hinihilang papalayo sa singer/actress?
"Bakit siya magagalit, e, mali ang boyfriend niya? E, kung sa kanya ginawa yun? Kaya naghihilahan sila ni Vina kay Borgy dahil inilalayo nung babae si Borgy, hinihila naman ni Vina dahil hindi pa siya tapos," katwiran pa ng ina ng singer/actress/tv host.
Hands-on na ngayon si Pops Fernandez sa business niyang Pipay na datiy ipinagkakatiwala lang niya ito sa business partners niya dahil nga bisi-bisihan ang mortal na kaaway ni Zsazsa Padilla sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh ng Regal Entertainment.
"Mahirap pala kung totally wala kang alam sa business mo kasi may mga problema na hindi ko alam. Ayokong sabihing nalugi dahil nandidiyan pa, pero may problems na hindi maganda, akala kasi ng ibang tao, wala akong alam.
"But now, totally ako na ang nagma-manage, lahat pinakikialaman ko na, pati ang pago-audit, tinatanong ko na ang auditor, before parang silent partner lang ako, now, its totally different," esplika ng seksing si Queen Femina sa Zsa Zsa Zaturnnah.
Samantala, sa nalalapit na kaarawan ng Concert Queen ay nage-expect siyang makakatanggap ng regalo sa boyfriend niyang si Jomari Yllana at hindi lang basta regalo, "Gusto ko maraming gifts from him," natawang sabi ni Pops.
At sa December 24, Noche Buena ay inimbitahan niya ang aktor sa bahay nila, pero hindi raw siya sinagot at naintindihan na niyang may sarili rin itong pamilya na mas dapat makapiling.
Aware kaya ang ABC 5 o si Sandra Chavez, bagong manager ng nanalong 1st Philippine Idol na si Mau Marcelo na may existing contract ito sa Viva Entertainment?
Nabanggit sa amin ng aming source na maghahabol daw si Vincent del Rosario sa Philippine Idol dahil may isang taong management contract sa kanya si Mau.
Si Mau raw ang runner-up ni Sarah Geronimo sa Star For A Night four years ago at limang taon ang pinirmahan ng first PI sa Viva.
"Maski na walang nagawa ang Viva sa kanya, nakapirma pa rin siya at valid iyon. Hindi ba niya ito ipinagtapat sa ABC 5?" ito ang say ng taga-Viva.
Demanda or buy-out ng kontrata ang kundisyon raw ni Vincent sa kaso ni Mau Marcelo.
Say naman ng taga-Singko, "Madaling ilipat ang titulo kay Jan Nieto dahil considered na panloloko ang ginawa ni Mau o depende sa usapan." Reggee Bonoan
Pero hindi na mangyayari dahil nakaganti na raw ang anak niya, "Okey na, sinampal na ni Vina si Borgy ng dalawang beses, okey na sa akin yun. Tama lang yun dahil binastos niya ang anak ko," masayang tinig ng ina ni Vina sa kabilang linya.
Late afternoon ng Lunes na rin nabalitaan ni Mommy Deanne ang nangyari dahil hindi naman daw iyon ikinwento ng anak sa kanya, ang manugang niyang si Frederico Moreno (anak ni Kuya Germs) lang daw ang nagkuwento sa kanya.
"Pasalamat siya (Borgy), yun lang ang natikman niya kay Vina at first time lang nangyari ito sa ilang taon na ni Vina sa showbiz. Kilala mo naman ang anak ko, maraming intrigang pinagdaanan yan, hindi yan pumapatol kung hindi grabe, e, ngayon lang nanampal ng tao," pahayag pa ni Mommy Deanne.
Balitang galit ang girlfriend ni Borgy na si Ornnusa Cadness kay Vina dahil sa harapan niya ito sinampal at hinihilang papalayo sa singer/actress?
"Bakit siya magagalit, e, mali ang boyfriend niya? E, kung sa kanya ginawa yun? Kaya naghihilahan sila ni Vina kay Borgy dahil inilalayo nung babae si Borgy, hinihila naman ni Vina dahil hindi pa siya tapos," katwiran pa ng ina ng singer/actress/tv host.
"Mahirap pala kung totally wala kang alam sa business mo kasi may mga problema na hindi ko alam. Ayokong sabihing nalugi dahil nandidiyan pa, pero may problems na hindi maganda, akala kasi ng ibang tao, wala akong alam.
"But now, totally ako na ang nagma-manage, lahat pinakikialaman ko na, pati ang pago-audit, tinatanong ko na ang auditor, before parang silent partner lang ako, now, its totally different," esplika ng seksing si Queen Femina sa Zsa Zsa Zaturnnah.
Samantala, sa nalalapit na kaarawan ng Concert Queen ay nage-expect siyang makakatanggap ng regalo sa boyfriend niyang si Jomari Yllana at hindi lang basta regalo, "Gusto ko maraming gifts from him," natawang sabi ni Pops.
At sa December 24, Noche Buena ay inimbitahan niya ang aktor sa bahay nila, pero hindi raw siya sinagot at naintindihan na niyang may sarili rin itong pamilya na mas dapat makapiling.
Nabanggit sa amin ng aming source na maghahabol daw si Vincent del Rosario sa Philippine Idol dahil may isang taong management contract sa kanya si Mau.
Si Mau raw ang runner-up ni Sarah Geronimo sa Star For A Night four years ago at limang taon ang pinirmahan ng first PI sa Viva.
"Maski na walang nagawa ang Viva sa kanya, nakapirma pa rin siya at valid iyon. Hindi ba niya ito ipinagtapat sa ABC 5?" ito ang say ng taga-Viva.
Demanda or buy-out ng kontrata ang kundisyon raw ni Vincent sa kaso ni Mau Marcelo.
Say naman ng taga-Singko, "Madaling ilipat ang titulo kay Jan Nieto dahil considered na panloloko ang ginawa ni Mau o depende sa usapan." Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am