^

PSN Showbiz

Kris at Aiai tatapatan sina Sharon at Kiko

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Magsasama pala sa isang TV commercial sina Kris Aquino at Aiai delas Alas. Pang-kusinang produkto raw ang i-e-endorse ng dalawa pero, may nagsabing pagkain, noodles to be exact. If true, sila ba ang panlaban kina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta at Richard Gutierrez na endorser din ng ibang brand ng noodles.

Samantala, galit pa rin ang fans nina Kris at Regine Velasquez kay Rachel Alejandro sa sinabi nitong worst actress ang una at overrated singer ang huli kahit nagpa-una ito ng "Please do not hate for this." Inookray ang singer sa thread ng dalawang celebrities at nakakatawa ang mga nababasa naming comments.
* * *
Siguradong very proud si Victor Neri sa girlfriend na si Michelle Madrigal sa magandang pictorial nito sa December issue ng Maxim. Seksing-seksi ang young actress sa cover pa lang at dahil matagal hinihintay ang paglabas niya sa men’s magazine, tiyak na bumebenta ito.

Hinintay lang ng ABS-CBN Publishing na magdisi-otso si Michelle para i-cover sa Maxim at right time ito’t nasa Mano Po 5: Gua Ai Di siya. Puwede niyang sabay i-promote ang pelikula at ang magasin.

Naintriga pala ang magpu-four months relationship nina Michelle at Victor nang ma-link ang huli kay Sitti. Walang ginawa ang dalaga sa presscon ng Regal movie kundi i-deny na break na sila ng bf. Si Jojo Manlongat daw na friend ng nobyo ang may gusto sa singer at para rin dito ang mga litratong kinukunan ni Victor.

Going strong pa rin ang relasyon nila at ‘di nila problema ang 12 years age gap dahil kung 18 si Michelle, 29 y/o na si Victor. Ipinakilala na niya ang bf sa ina at ama at tanggap ito ng kanyang mga magulang.
* * *
Natawa si Polo Ravales sa suggestion ng isang press na hamunin na lang niya ng boxing si Borgy Manotoc para makaganti siya sa pang-ookray nito sa F&H billboard niya. Pabayaan na lang daw kung napangitan ito sa kanyang billboard dahil ito lang ang may ganu’ng reaction.

Walang time makipag-away si Polo lalo’t maganda ang takbo ng kanyang career at lovelife. Bukod sa pelikulang SuperNoypi. May binanggit itong indie movie na kanyang gagawin at kapipirma lang niya ng kontrata as the new male endorser ng Bioessence. Sinamahan siya ng manager niyang si Manny Valera sa contract signing.

Any day now, makikita ang billboard ni Polo endorsing Bioessence at tiniyak ni Jules Cabaero, operations manager na maganda ang billboard ng actor at walang mang-ookray.

Para hindi makasakit sa kapwa artista, walang balak mag-guest ng actor sa radio show ni Mo Twister kahit inimbita siya nito nang sila’y magkita. Sa ibang radio show na lang daw niya ipo-promote ang SuperNoypi.
* * *
Parang Children’s party ang launching ng series 2 ng audio-video CD ng Star Records ng My First Lessons with Jollibee sa rami ng bata. Nagpasaya pang lalo sa mga batang dumalo ang presence ng Jollibee mascots at chidstars na sina Nash Aguas, Nikki Bagaporo, John Vladimir Manalo at Sharlene San Pedro na kumanta ng seven songs sa CD.

Series 2 of the educational audio-video CD features exciting new lessons for the kids at sa nakita naming response ng mga bagets, tiyak na bebenta rin ito. Ang Series 1 ay naka-18 times platinum dahil bumenta ng 550,000 units worldwide.
* * *
Sa Captain Barbell ngayong Lunes, tuloy ang face off ng Barbell family nina Teng, Captain B, Boris at Barbara laban sa Legion of Doom na binubuo nina Aerobica, Vaporo, Tetano. Adobe, 5564 at Super Levi. Sino ang matitirang matibay sa kanila?

Nagpapaligalig din kay Teng ang pagkawala nina Kit at Lea na pareho niyang minamahal. Masasagip pa kaya niya ang dalawa kay Bubog? Paganda nang paganda ang istorya ng telefantasy habang nalalapit ang pagtatapos.
* * *
Isa sa mga itinanong kay Senator Lito Lapid sa presscon ng Tatlong Baraha ang pagga-graduate ni Melanie Marquez sa college at ang mabilisang pagbisita ng anak nilang si Manuelito. Kinongratulayt nito ang ex-girlfriend pero, ‘di raw sila nagkita ng anak. Naloka kami sa sagot nitong baka nagka-salisi sila. O baka, naman walang nag-effort sa bawat kampo na sila’y magkita.

Anyway, tiniyak ng senador ang pagtakbong mayor sa Makati City ‘pag natuloy ang election. Sabay ang panawagan niyang payagan ng Makati government na maipalabas ang nabanggit na pelikula na bida siya at mga anak na sina Mark at Maynaryd Lapid. Alang-alang daw sa Kapaskuhan at sa mga bata. Isantabi raw muna ang pulitika.

ANG SERIES

BIOESSENCE

BORGY MANOTOC

CAPTAIN B

CAPTAIN BARBELL

CENTER

MICHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with