Crush ng bayan, bihirang maligo
December 11, 2006 | 12:00am
Naisyete ng isang kapatid sa hanap-buhay ang tungkol sa guwapong matinee idol na may kakaibang amoy lalo na kapag pinagpapawisan. Hindi naman bad odor. May syete kasi na hindi ito mahilig maligo dahil laki ito sa ibang bansa. Malamig dun at kahit di maligo ay okey lang kaya nadala niya ang ugaling ito sa bansa.
Siya ngayon ang crush ng bayan dahil bukod sa super gwapo nito ay may talento rin ito sa pagkanta.
First time ni Kyla na lumabas sa entablado kaya kabado siya. Ibang-iba ang karanasan nito sa musical-magical play na na Prinsesa-Hiwaga ng Kalikasan kung saan siya ang bida.
"Kailangan kasing prepared ka sa entablado at mahabang proseso ang pinagdaraanan mo. You should know the lines at alam mo ang blockings."
Bago isalang sa stage play ay nag-undergo ng workshop si Kyla under Roobak sa loob ng isang buwan.
Sa kabilang banda, stable pa rin ang relasyon nila ni Rich Alvarez. Mahigit isang taon na ang pagiging mag-boyfriend nila. "Excited na nga ako dahil magbabalikbayan ang pamilya niya this December at first time ko silang mami-meet. Manonood sila ng aming musical-magical play," sey pa ng magaling na singer.
Makakasama ni Kyla si Rannie Raymundo na gaganap na kontrabida bilang si Haring Sakim.
Sa kabilang banda, sinabi ng prodyuser na sunud-sunod ang kalamidad ng bansa kaya naisipan niyang magprodyus ng ganitong klase ng stage play na may halong magic.
Naghahanda para sa kanyang dance concert sa December 16 si Mark Herras, 20 years old na ito sa darating na December 14. Ang beneficiary ng kanyang concert ay ang Kapuso Foundation.
Ang wish niya sa kaarawan ay magkarun ng maayos na kalusugan. "Masyado akong overwork kaya nawawalan na rin ng gana sa pagkain. Dahil sa araw-araw na puyat ay nagkaroon na yata ako ng insomia dahil hindi na ako makatulog at inaantok lang ako kapag alas-tres o alas kuatro na ng madaling araw. Idinadaan ko na lang ang aking oras sa pagko-computer kapag hindi pa ako inaantok," anang aktor.
Huminto sa pag-aaral si Mark nang agawin ng showbiz at kapag libre na sa kanyang mga commitment ay desidido itong magtapos ng kurso. First year ito ng Business Management nang huminto (first semester) sa La Salle, Cavite.
"Sigurado kung hindi ako nag-artista ay di ko maaabot ang ambisyon ko sa buhay. Nagkaroon ako ng bahay at magarang sasakyan," aniya.
May nabili itong townhouse sa may commonwealth worth P6 million, kung saan magkalapit sila ng tirahan ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Sa SuperNoypi ay gagampanan nito ang role ni Lorenzo na leader ng SuperNoypis na lalabanan ang masasamang pwersa.
Ang nasabing pelikula ay entry sa Metro Manila Film Festival.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended