^

PSN Showbiz

Kung action princess si Jennylyn, ano si Angel?

-
May nagsabing pwede raw maging action princess si Jennylyn Mercado base sa pelikula niyang SuperNoypi na kung saan ay sumabak siya sa mga maaaksyon at maseselang eksena, ng walang double! Talagang hindi siya pumayag na iba ang pagawin ng mga eksena niya, sa halip ay talagang nag-aral siya ng martial arts (arnis, taekwondo at kaunting gymnastics).

"Hindi naman nakakatakot, mas nakaka-excite pa nga, nakalimutan ko nga na takot ako sa mga matataas na lugar. Kaya lang matitigas na ang mga kamay ko. Parang kamay ng lalaki, puro kalyo na, paano kasi ang ginamit kong arnis, gawa sa bato, talagang mabigat. Pero kahit ganito parang mas madaling gawin ito kesa magpa-sexy sa cover ng mga magazines," sabi niya, sabay explain na hindi naman niya sinasara ang kanyang doors para magpa-sexy sa covers ng men’s mags pero, "Hindi pa ako handa sa ngayon," paliwanag niya.

Dadagdagan pa niya ang kanyang kaalaman sa martial artis dahil mag-aaral siya ng isang Brazilian form of martial arts, ang Ca Poera, para sa susunod niyang TV series.

Samantala, sumailalim din si Angel Locsin sa martial arts para naman sa kanyang TV series din with Robin Padilla. Pwede ba siyang i-categorize na action princess din? Sino naman ang action queen kung dala-dalawa silang action princesses ni Jennylyn?
* * *
Gusto kong magpasalamat kina Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Michelle Estevez, Go Girls at Sarah Geronimo sa pagdalo nila at pagbibigay kasiyahan sa Christmas party ng Dealers ng Star Group of Publications (Philippine Star, Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa nung Disyembre 6. Salamat din kina Maryanne ng Backroom, Rodel Fernando at Mia Divinagracia sa kanilang tulong para maimbita namin ang mga nasabing artista. — Veronica R. Samio

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CA POERA

ERIK SANTOS

GO GIRLS

JENNYLYN MERCADO

MIA DIVINAGRACIA

MICHELLE ESTEVEZ

PHILIPPINE STAR

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with