Ogie, Regine, lantaran na!
December 10, 2006 | 12:00am
Tagumpay ang concert ni Ogie Alcasid na ginanap sa Pagcor Parañaque Ampi-theater noong Sabado ng gabi. Napakaganda ng show, mahusay talaga itong si Ogie at deserving talaga ang kanyang titulong "Entertainer of the year". Nagpakitang gilas at husay ang guest niyang si Lovi Poe na umawit ng limang kanta, at nakipag-duweto pa kay Ogie ng "Bakit Ngayon Ka Lang?" Napahanga ang audience sa kanila. Ngunit ang isang malaking bonus sa mga manonood that night ay ang pag-surprise guest appearance ni Regine Velasquez. Dumating si Regine bago mag-umpisa ang show at kung hindi ako nagkakamali ay kasama ni Regine ang mga magulang ni Ogie. Nakaupo siya sa may harapan at nanood ng show. Noong malapit ng matapos ang show, ay tinawag ng singer songwriter ang Songbird, para umawit sa entablado, at pinaunlakan ito ni Regine. Kinanta nila ang "Hanggang Ngayon". Hiyawan talaga ang audience dahil super sweet ang dalawa. Talagang parang wala na silang tinatago sa relasyon(?) nila! Kilig na kilig ang mga manonood nung gabing iyon.
Ngayon, ang tanong? Makaka-deny pa kaya ang dalawa sa estado ng kanilang tunay na relasyon? Anyway, congratulations na lang sa kanilang lahat sa tagumpay ng concert, especially sa Starview Production. Rodel Fernando
Ngayon, ang tanong? Makaka-deny pa kaya ang dalawa sa estado ng kanilang tunay na relasyon? Anyway, congratulations na lang sa kanilang lahat sa tagumpay ng concert, especially sa Starview Production. Rodel Fernando
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended