^

PSN Showbiz

Eat Bulaga, napataob ng kalaban!

-
Kung natatandaan pa ninyo, nabanggit namin na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa Eat Bulaga ang over exposure ni Joey de Leon. Araw-araw siya rito. Napapanood pa siya sa Nuts Entertainment, Startalk, Mel and Joey, Takeshi’s Castle at may show pa siya sa Channel 5.

Nabanggit din namin na sa palagay namin masama ang magiging epekto ng pag-amin ni Vic Sotto ng kanyang relasyon kay Pia Guanio, kasi ang palagay namin mas gusto ng mga fans na single lamang si Vic. Noon nagkakaroon din naman siya ng relasyon, at common knowledge iyan sa showbusiness pero hindi na lumalabas. Ngayon nararamdaman na nila ang epekto noon.

‘Yong over exposure din naman ng iba pang mga talents ng show, dahil sa gabi-gabi nilang paglagare sa kung saan-saang clubs at comedy bars, nakakabawas yan ng tv audience.

Ang mga na obserbasyon naming ito ay masasabi nga sigurong malabo noon, pero ngayon mukha ngang may epekto na dahil mahirap mang paniwalaan napataob na sa ratings ng kanilang kalaban ang Eat Bulaga.

Mayroon daw reformat. May mga pagbabagong gagawin sa kanilang show para muli nilang makuha ang number one slot, pero sugal pa rin ‘yan. Ang dami nilang napabagsak na shows, siguro nga masasabing ilang dekada na silang number one, bakit ngayon lang nangyaring nalusutan sila ng kanilang kalaban?
* * *
Nakakatuwang pagmasdan sina Richard Gomez at Lucy Torres noong dumating sila sa anniversary ng Walk of Fame. Iyon din ang araw na isinali na ang pangalan ni Goma sa nasabing attraction. Hindi lang si Lucy ang kasama ni Goma. Naroroon din ang kanyang father-in-law.

Nakakatuwa ‘yong ganoon na nakikita mo ang pagkakaisa ng pamilya. Bihira na ang ganyan sa mga artista. Kung minsan ang mga artista, lumalakad nang sila lamang, ni hindi nila nakakasama ang pamilya nila, pero si Goma nga, pati ang father in law niya ay kasama niya. Nagpapakita lang na nagkakasundo sila.
* * *
Pinag-uusapan nila ang isang bading na male star na madalas daw makipag-chat sa internet, at kung nakakakita ng mga pogi sa webcam, talaga raw nangungulit iyon ng eye ball at sinasabing hindi naman lugi sa kanya ang kahit na sino.

May pumayag na makipag-eye ball sa kanya, pero pagkatapos noon ay ikinalat naman sa mga chatrooms kung sino siya, kaya nga inaabangan siya ng mga tao sa chatroom, pero ang suspetsa nila nagpalit na siya ng ID sa net, dahil nabulgar na nga kung sino siya talaga. Ang totoo marami na raw pala siyang naka-eyeball, kaya nga marami na ang nakakabuko sa kanya. — Ed De Leon

vuukle comment

EAT BULAGA

ED DE LEON

GOMA

LUCY TORRES

MEL AND JOEY

NUTS ENTERTAINMENT

PIA GUANIO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with