Nakapagtataka bang hindi umuusad ang Pilipinas?
December 8, 2006 | 12:00am
Gulat na gulat ang ace choreographer-turned talent manager na si Geleen Eugenio kung bakit nabuhay ang lumang balita na na-A to A, as in airport to airport umano siya sa Japan.
Kinumpirma ito sa amin ni Geleen pero, nangyari ito three years ago pa at involved ang dati niyang alagang si Jay-R, isang rapper-friend nito, si Jenine Desiderio at ang producer sa Japan na nagngangalang Danny na mortal na kaaway umano nina Joed Serrano at Robby Tarroza.
Pero klinaro ni Geleen na hindi sila na-detain sa Narita Airport kundi nag-stay sila ng overnight sa isang hotel sa Narita para hintayin ang kanilang flight pabalik ng Maynila. Mabuti na lamang daw at may dalang pera si Geleen dahil kung nagkataon ay tiyak na magugutom at matutulog sila sa Narita Airport. Hindi na rin sila nakapag-show sa Japan dahil wala silang working visa.
Ang nakakalungkot pa rito, uso sa mga Filipino promoters sa Japan ang siraan sa halip na silay magtulungan. Kailan kaya tayong mga Pinoy matututo? Kaya huwag tayong magtaka kung bakit hindi umuusad ang ating bansa dahil tayo na rin ang may kasalanan.
Gaano katotoo ang balitang nakarating sa amin na nagiging sakit sa ulo ng present manager ang kanyang bagong alaga na kanyang minana sa ibang manager?
Kung nung umpisa ay professional umano ang nasabing singer, ngayon ay nagpapakita na ito ng unprofessionalism bagay na hindi na nakakatuwa dahil ang kanyang manager ang naiipit. Dahil sa pagiging unprofessional ng singer na ito ay banned umano ito ngayon sa isang malaking chain of malls hindi lamang dito sa Maynila kundi maging sa ibang key cities ng Pilipinas.
Ina-accuse din ang singer na ito na walang utang na loob dahil kung hindi sa kanyang dating manager na siyang naka-discover sa kanya at naghirap para marating niya ang kanyang kinaroroonan ngayon, baka sisinghap-singhap pa rin ang kanyang singing career sa ibang bansa.
Nang sumikat at magkapangalan, iniwan niya ang kanyang manager sa lumipat sa iba. Pero sa kanyang inaasal ngayon, tiyak na sa kangkungan ang kanyang bagsak dahil hindi naman extraordinary ang kanyang hitsura at talent. Aster A. Amoyo

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended