Cristina Decena, susuportahan ang pagbabalik-pulitika ni Rey Malonzo
December 8, 2006 | 12:00am
Kapag nakabalik sa pagka-mayor ng Caloocan si Rey Malonzo at matapos niyang muli ang kanyang termino ay pwede na siyang mag-retiro pero, habang pinaghahandaan niya ang kanyang muling pagbabalik sa pulitika, nangako ng kanyang 100% suporta si Cristina Decena, ang napapabalitang girlfriend niya subalit itinanggi ito ni Cris at sinabing partners lamang sila sa negosyo ng real estate. Kung sakali raw na manliligaw ito sa kanya ay hindi ito papasa dahil "Ayaw ko ng may-asawa. Ayaw ko nang makipag-share.
"Pero, siya ang nakikiusap na patawarin ko na raw si Phillip (Salvador), ang nagpapatawad daw umaasenso sa negosyo. Malapit na niya akong makumbinse," anang magandang negosyante.
Aalis si Cris ngayong Dis. 20 para pumunta ng US, kasama niya ang lahat niyang anak. Makikipagkita sila sa ama ng kanyang mga anak. Tutulungan niya ang kanyang ex para maging maayos ang status nito dun sa Tate. Babalik siya ng Enero 5, 2007. Sinabi niyang hindi niya sinasara ang pinto para sa kanilang pagbabalikan kung saka-sakali.
Malayo na ang inaabot ni Marissa del Mar bilang isang TV personality. Katunayan very proud siya na umabot na ng apat na taon ang kanyang programa sa TV, ang Up Close and Personal with Marissa del Mar na ipinalalabas sa IBC13. Nabigyan pa ito ng nominasyon sa TV Star Awards bilang Best Public Affairs TV Program.
Ang 4th anniversary ng kanyang programa na ginanap sa isang hotel ay dinaluhan ng mga celebrities sa business, private, government at showbusiness. Ito ay dinirek ni Willie Schneider at napanood in a series of episodes sa kanyang programa. Veronica R. Samio
"Pero, siya ang nakikiusap na patawarin ko na raw si Phillip (Salvador), ang nagpapatawad daw umaasenso sa negosyo. Malapit na niya akong makumbinse," anang magandang negosyante.
Aalis si Cris ngayong Dis. 20 para pumunta ng US, kasama niya ang lahat niyang anak. Makikipagkita sila sa ama ng kanyang mga anak. Tutulungan niya ang kanyang ex para maging maayos ang status nito dun sa Tate. Babalik siya ng Enero 5, 2007. Sinabi niyang hindi niya sinasara ang pinto para sa kanilang pagbabalikan kung saka-sakali.
Ang 4th anniversary ng kanyang programa na ginanap sa isang hotel ay dinaluhan ng mga celebrities sa business, private, government at showbusiness. Ito ay dinirek ni Willie Schneider at napanood in a series of episodes sa kanyang programa. Veronica R. Samio
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended