Vic, Pia di pwedeng magpakasal sa 2007
December 6, 2006 | 12:00am
Kapag in-love ang isang tao ay nagkakaron ng glow at hindi naiiba rito ang pangunahing bida at co-producer ng MMFFs entry na Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko (The Legend Goes On and On and On) na si Vic Sotto.
Kapansin-pansin ito ngayon sa TV host-comedian cum producer hindi lamang sa personal kundi maging sa kanyang publicity photos at poster ng kanyang pinakabagong pelikula. Katunayan, sa poster pa lamang ng pelikula ay maraming pumuri na halos kasing-edad na lang ito ng kanyang leading-lady na si Kristine Hermosa.
"I love you, dahling!" ang favorite line ngayon ni Bossing (Vic) sa mga pumupuri sa kanya lalo na sa ending ng full trailer ng Enteng Kabisote 3.
Kung nung mga nagdaang panahon sa buhay ng TV host-comedian ay tahimik ito pagdating sa usaping pag-ibig, ngayon lamang ito naging very vocal pagdating sa kanyang lovelife.
"Noon naman kasi, walang nagtatanong sa akin. Alangan naman na mag-volunteer pa ako. Ngayon, dahil tinatanong nyo ako, sinasagot ko lang ang mga tanong nyo," katwiran niya.
"As much as possible, pagdating sa personal kong buhay, mas gusto kong maging pribado. Pero ayokong matawag na `denial king. Thats a thing in the past," nagbibiro niyang pahayag.
"Im very proud of Pia (Guanio). Shes a very caring and thoughtful at masaya kami," pag-amin pa ng ama nina Danica at Oyo Sotto.
Since kasama si Oyo Sotto sa Enteng Kabisote 3, tinanong siya kung ano ang kanyang masasabi sa bagong pag-ibig ng kanyang daddy?
"Im so happy for my dad. Kung saan naman siya maligaya, doon kami. Hindi kami ang hahadlang sa sarili niyang kaligayahan. Ganundin naman si Daddy sa amin. Kung saan kami masaya, suportado niya kami," pag-amin ni Oyo.
Tinanong namin si Vic kung sa altar na ba hahantong ang relasyon nila ngayon ni Pia?
"Sa lahat naman ng relasyon ay doon gusto patungo. Sana nga doon mapunta," aniya.
Mangyayari ba ito sa isang taon (2007)?
"Malabo siguro dahil ikakasal next year si Danica (panganay ni Vic sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) sa kanyang (cager) boyfriend na si Marc (Pingris)."
Taun-taon ay meron kaming intimate pre-Christmas dinner with a very good friend of long standing, ang beauty czar na si Ricky Reyes sa kanyang mansion sa Valle Verde VI. Intimate dahil wala pa kaming 20. Bukod sa masarap na handa at Christmas gifts ni Mother Ricky sa bawat isa, pinaka-highlight sa aming salu-salo ang tsikahan at tsakahan na hindi nawawala sa alinmang umpukan.
Tatlo na sa grupo namin ang nawala - sina Bob Castillo, Fred Marquez at Oskee Salazar na nami-miss namin ng husto sa tuwing dumarating ang ganitong okasyon.
Gusto naming pasalamatan si Mother Ricky na sa kabila ng kanyang walang humpay na tagumpay ay hindi pa rin ito nakakalimot sa kanyang mga dating kaibigan tulad namin. Ang pagkakaibigan namin ay magmula pa ng dekada 70 nung si Mother Ricky ay nagsisimula pa lamang makilala.
Bukod sa amin, dumalo rin sa nasabing salu-salo sina Manay Ethel Ramos, Ronald Constantino, Ricky Lo, Veronica Samio, Mario Hernando, Mario Bautista, Eugene Asis, Nene Riego, Ian Farinas at Salve Asis. Na-miss ng tropa sina Crispina Belen (na nasa New York, USA), Letty Celi, Butch Francisco, Nestor Cuartero at Jojo Gabinete. Aster A. Amoyo
Kapansin-pansin ito ngayon sa TV host-comedian cum producer hindi lamang sa personal kundi maging sa kanyang publicity photos at poster ng kanyang pinakabagong pelikula. Katunayan, sa poster pa lamang ng pelikula ay maraming pumuri na halos kasing-edad na lang ito ng kanyang leading-lady na si Kristine Hermosa.
"I love you, dahling!" ang favorite line ngayon ni Bossing (Vic) sa mga pumupuri sa kanya lalo na sa ending ng full trailer ng Enteng Kabisote 3.
Kung nung mga nagdaang panahon sa buhay ng TV host-comedian ay tahimik ito pagdating sa usaping pag-ibig, ngayon lamang ito naging very vocal pagdating sa kanyang lovelife.
"Noon naman kasi, walang nagtatanong sa akin. Alangan naman na mag-volunteer pa ako. Ngayon, dahil tinatanong nyo ako, sinasagot ko lang ang mga tanong nyo," katwiran niya.
"As much as possible, pagdating sa personal kong buhay, mas gusto kong maging pribado. Pero ayokong matawag na `denial king. Thats a thing in the past," nagbibiro niyang pahayag.
"Im very proud of Pia (Guanio). Shes a very caring and thoughtful at masaya kami," pag-amin pa ng ama nina Danica at Oyo Sotto.
Since kasama si Oyo Sotto sa Enteng Kabisote 3, tinanong siya kung ano ang kanyang masasabi sa bagong pag-ibig ng kanyang daddy?
"Im so happy for my dad. Kung saan naman siya maligaya, doon kami. Hindi kami ang hahadlang sa sarili niyang kaligayahan. Ganundin naman si Daddy sa amin. Kung saan kami masaya, suportado niya kami," pag-amin ni Oyo.
Tinanong namin si Vic kung sa altar na ba hahantong ang relasyon nila ngayon ni Pia?
"Sa lahat naman ng relasyon ay doon gusto patungo. Sana nga doon mapunta," aniya.
Mangyayari ba ito sa isang taon (2007)?
"Malabo siguro dahil ikakasal next year si Danica (panganay ni Vic sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) sa kanyang (cager) boyfriend na si Marc (Pingris)."
Tatlo na sa grupo namin ang nawala - sina Bob Castillo, Fred Marquez at Oskee Salazar na nami-miss namin ng husto sa tuwing dumarating ang ganitong okasyon.
Gusto naming pasalamatan si Mother Ricky na sa kabila ng kanyang walang humpay na tagumpay ay hindi pa rin ito nakakalimot sa kanyang mga dating kaibigan tulad namin. Ang pagkakaibigan namin ay magmula pa ng dekada 70 nung si Mother Ricky ay nagsisimula pa lamang makilala.
Bukod sa amin, dumalo rin sa nasabing salu-salo sina Manay Ethel Ramos, Ronald Constantino, Ricky Lo, Veronica Samio, Mario Hernando, Mario Bautista, Eugene Asis, Nene Riego, Ian Farinas at Salve Asis. Na-miss ng tropa sina Crispina Belen (na nasa New York, USA), Letty Celi, Butch Francisco, Nestor Cuartero at Jojo Gabinete. Aster A. Amoyo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended