Allan K, tatlong oras kung mag-make-up
December 4, 2006 | 12:00am
Si Allan K ang gaganap na Magenta sa Enteng Kabisote kaya lumabas na katawa-tawa ang kanyang ayos. Tatlong oras ang inabot ng kanyang make-up and accessories.
Ayon kay Vic, saksakan ng landi sa pelikula si Allan kaya nag-enjoy sila sa syuting.
Tinanong ko si Vic Sotto sa presscon ng Enteng Kabisote 3 kung ano ang nagbunsod para ilantad niya sa publiko ang relasyon nila ni Pia Guanio.
"Wala naman kasing nagtatanong tungkol sa aming dalawa noon. Ngayong itinatanong na ay bakit di ko ito aminin. Hindi naman ako denial king. Magkasundo kami at nagmamahalan kaya Im proud of her," sey ni Vic.
Tinanong ko rin si Oyo Boy na anak ng actor-TV host kung ano ba ang nagustuhan ng kanyang daddy kay Pia.
"Maalaga kasi siya kay Daddy at laging kinukumusta ang kanyang pagkain at kalusugan. Kung sino ang mahal ni Daddy ay mahal din naming mga anak niya. Kahit di pa siya malapit sa amin ay gusto na rin namin siya para kay Daddy," ani Oyo.
Sa kabilang banda, excited na si Vic para sa Enteng Kabisote 3 at sinabing kaiba ito sa part 1 and 2.
Sinabi rin ni Vic na kahit sabay-sabay ang pagpapalabas ng siyam na entries sa MMFF ay di siya takot sa pelikula nila.
"Mas maraming pelikula, mas masaya. Dumikit lang ang kita nito sa nakaraang Enteng Kabisote 1 at 2 ay okey na. Positive ako na this movie will do better pagdating sa takilya. Mas entertaining kasi ito," dagdag pa ni Vic.
Nag-aral ng martial arts si Jennylyn Mercado para sa pelikulang SuperNoypi at ang kanyang fight instructor ay mula pa sa Hongkong. Gagampanan nito ang papel ni Lia na makakalaban ni Diego (Monsour del Rosario). Isa siyang amazona kaya sumabak sa mga delikadong stunts.
Hindi niya malilimutan ang pagbitin sa helicopter. Takot pa naman sa heights ang magandang aktres pero hindi siya nagpa-double.
Pangarap ni Jen na sumabak sa aksyon at maging kapareha ng mga sikat na action stars.
Talo pa pala ng sikat na actor-singer ang isang babae sa tagal nitong maglagay ng foundation sa mukha. Banidosa ito kaya panay ang re-touch sa mukha habang hindi pa isinasalang sa syuting.
Mabuti na lang at may nobya ito na isa ring sikat na singer sa kasalukuyan. Kung hindi, mapagkakamalan siyang baklita dahil sa tagal mag-make-up.
Ayon kay Vic, saksakan ng landi sa pelikula si Allan kaya nag-enjoy sila sa syuting.
"Wala naman kasing nagtatanong tungkol sa aming dalawa noon. Ngayong itinatanong na ay bakit di ko ito aminin. Hindi naman ako denial king. Magkasundo kami at nagmamahalan kaya Im proud of her," sey ni Vic.
Tinanong ko rin si Oyo Boy na anak ng actor-TV host kung ano ba ang nagustuhan ng kanyang daddy kay Pia.
"Maalaga kasi siya kay Daddy at laging kinukumusta ang kanyang pagkain at kalusugan. Kung sino ang mahal ni Daddy ay mahal din naming mga anak niya. Kahit di pa siya malapit sa amin ay gusto na rin namin siya para kay Daddy," ani Oyo.
Sa kabilang banda, excited na si Vic para sa Enteng Kabisote 3 at sinabing kaiba ito sa part 1 and 2.
Sinabi rin ni Vic na kahit sabay-sabay ang pagpapalabas ng siyam na entries sa MMFF ay di siya takot sa pelikula nila.
"Mas maraming pelikula, mas masaya. Dumikit lang ang kita nito sa nakaraang Enteng Kabisote 1 at 2 ay okey na. Positive ako na this movie will do better pagdating sa takilya. Mas entertaining kasi ito," dagdag pa ni Vic.
Hindi niya malilimutan ang pagbitin sa helicopter. Takot pa naman sa heights ang magandang aktres pero hindi siya nagpa-double.
Pangarap ni Jen na sumabak sa aksyon at maging kapareha ng mga sikat na action stars.
Mabuti na lang at may nobya ito na isa ring sikat na singer sa kasalukuyan. Kung hindi, mapagkakamalan siyang baklita dahil sa tagal mag-make-up.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended