Pacman, di totoong inisnab ang anniversary ng Walk of Fame
December 4, 2006 | 12:00am
Hindi totoong inisnab ni Manny Pacquiao ang anniversary ng Walk of Fame last Thursday sa Libis. Katunayan tanghali pa lang, tumawag na si Manny na hindi siya makakarating dahil cancelled lahat ng biyahe ng anumang sasakyang panghimpapawid dahil nga sa bagyong Reming. Kaya gustuhin man niyang dumalo, hindi talaga puwedeng mangyari.
Pero kahit masama ang panahon, naging matagumpay pa rin ang first anniversary ng Walk of Fame. Dumating sina Sen. Bong Revilla Jr., Rudy Fernandez, Francis Magalona, Richard Gomez, Lea Salonga, Mona Lisa, Aga Muhlach, Judy Ann Santos, Shirley Gorospe (asawa ni Zaldy Zshornack), Pilita Corrales, Dulce, Eddie Gutierrez, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Dingdong Dantes at marami pang iba.
Nagpapasalamat ako sa mga artistang dumalo at nagpahalaga sa Walk of Fame.
Naisip ko na kung meron mang matagalang parangal na ibinibigay sa ating mga artista, sa palagay ko ang pag-ukit ng kanilang mga pangalan sa Walk of Fame ang pinakamagandang award na kanilang matatanggap.
Ito ang masasabing habang buhay na parangal na maari nilang ipagmalaki at kahit ilang henerasyon pa ang dumating, makikita at mababasa pa rin ang kanilang mga pangalan na minsan ay nagbigay ningning, sigla at malaki ang naiambag sa mundo ng aliwan.
Madadagdagan pa ang mga listahan ng mga pangalan ng artista sa Walk of Fame hanggang sa mapuno natin ang lugar ng mga pangalan ng malalaking artista na malaki ang nagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Muli, ang aking pasasalamat sa mga nagbigay ng kanilang oras at panahon kaya naging matagumpay ang anibersaryo ng Walk of Fame noong nakaraang Biyernes.
Paano ba napapatunayan ang isang pagkalalaki? Kailangan ba itong ipangalandakan at ipagyabang sa buong mundo? Sukatan na ba ng pagkalalaki ang ihayag mo sa publiko ang mga babaeng nakasiping mo sa magdamag?
Sana naman, nag-isip munang mabuti ang kahit sino sa atin bago magbitaw ng mga salita dahil sa may pangalan siyang dinadamay na wala namang kamalay-malay. O kahit sana inisip man lang niya ang kapakanan ng kanyang pamilya dahil sa kabila ng lahat, meron pa rin namang rumerespeto sa kanilang angkan.
Dapat na mabigyan ng leksyon ang mapangahas at kawalan ng kagandahang asal.
Hanggang ngayon, hindi pa rin matapos-tapos ang intriga kina Pops Fernandez at Martin Nievera.
Pilit pa ring ginagawan ng isyu ang dalawa kahit pa may kanya-kanya na silang buhay.
Ngayong dumating pa ang anak ni Martin, mas lalo pang binubuksan ang isyu sa kanila ni Pops. Tuloy hindi pa rin makaiwas si Pops na manahimik sa kanyang sariling mundo kahit pa sabihing may iba na ring nagpapasaya sa kanyang lovelife ngayon.
Pero kahit masama ang panahon, naging matagumpay pa rin ang first anniversary ng Walk of Fame. Dumating sina Sen. Bong Revilla Jr., Rudy Fernandez, Francis Magalona, Richard Gomez, Lea Salonga, Mona Lisa, Aga Muhlach, Judy Ann Santos, Shirley Gorospe (asawa ni Zaldy Zshornack), Pilita Corrales, Dulce, Eddie Gutierrez, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Dingdong Dantes at marami pang iba.
Nagpapasalamat ako sa mga artistang dumalo at nagpahalaga sa Walk of Fame.
Naisip ko na kung meron mang matagalang parangal na ibinibigay sa ating mga artista, sa palagay ko ang pag-ukit ng kanilang mga pangalan sa Walk of Fame ang pinakamagandang award na kanilang matatanggap.
Ito ang masasabing habang buhay na parangal na maari nilang ipagmalaki at kahit ilang henerasyon pa ang dumating, makikita at mababasa pa rin ang kanilang mga pangalan na minsan ay nagbigay ningning, sigla at malaki ang naiambag sa mundo ng aliwan.
Madadagdagan pa ang mga listahan ng mga pangalan ng artista sa Walk of Fame hanggang sa mapuno natin ang lugar ng mga pangalan ng malalaking artista na malaki ang nagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Muli, ang aking pasasalamat sa mga nagbigay ng kanilang oras at panahon kaya naging matagumpay ang anibersaryo ng Walk of Fame noong nakaraang Biyernes.
Sana naman, nag-isip munang mabuti ang kahit sino sa atin bago magbitaw ng mga salita dahil sa may pangalan siyang dinadamay na wala namang kamalay-malay. O kahit sana inisip man lang niya ang kapakanan ng kanyang pamilya dahil sa kabila ng lahat, meron pa rin namang rumerespeto sa kanilang angkan.
Dapat na mabigyan ng leksyon ang mapangahas at kawalan ng kagandahang asal.
Pilit pa ring ginagawan ng isyu ang dalawa kahit pa may kanya-kanya na silang buhay.
Ngayong dumating pa ang anak ni Martin, mas lalo pang binubuksan ang isyu sa kanila ni Pops. Tuloy hindi pa rin makaiwas si Pops na manahimik sa kanyang sariling mundo kahit pa sabihing may iba na ring nagpapasaya sa kanyang lovelife ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended