Di kontentong maging sexy actor lang
December 2, 2006 | 12:00am
Nagpasalamat sa amin ang manager ni Pinoy Dream Academy scholar Ronnie Liang na si George Roca dahil sa naisulat namin dito sa PSN the other day.
Inamin ni George na paminsan-minsan ay dinadalhan talaga niya ng damit si Ronnie sa academy dahil alam niyang kukulangin ito sa pang-araw-araw nitong isusuot, "But before pa kami napasok, bumili na kami ng maraming damit para sa performance night niya," paliwanag ni George.
At hindi naman daw malaki ang nagagastos siya sa text votes, ang kinakarir daw niya ay ang pangangampanya sa mga kaibigan at ibang tao na good thing din dahil marami raw supporters ang alaga niya hanggang Pampanga.
"Yung masama nga siya sa top 10, masaya na kami kasi alam ninyo naman yung nangyari before (Pinoy Pop Superstar), at least now, nandidiyan na siya.
"Ang iniisip ko na lang, after PDA anong diskarte ang gagawin ko, kasi ayoko namang maging overnight star lang si Ronnie," magandang pahayag ng manager ng binata.
At hindi na kami sinagot ni George sa tanong namin kung boto ba siya sa sinasabi ng lahat na si Yeng Constantino na ang mananalo sa December 16 as the 1st Star Dreamer ng PDA.
Survivor talaga itong si Allen Dizon dahil maski na wala siyang gaanong projects ngayon ay maganda pa rin ang pasok sa kanya ng pera dahil na-foresee niya ang mangyayari sa showbiz career niya. Nung marami siyang pera ay nagtayo siya ng buy and sell ng top of the line auto sales and insurance agency na nasa Cagayan Valley Road, Tabang, Plaridel, Bulacan na kung hindi kami nagkakamali ay limang taon na.
At last November 22 ay binuksan na ang main branch with showroom sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan with long time business partner Roland Roque.
Sinong maga-akalang ang isang sexy actor na tulad ni Allen ay suwerte pala sa negosyong pinasok dahil kapag wala pala itong tv at movie project ay bisi-bisihan ito sa opisina niya as in may day job pala siya.
Pawang mga kaibigan sa industriya ang bisita ni Allen sa grand opening ng showroom niya. REGGEE BONOAN
Inamin ni George na paminsan-minsan ay dinadalhan talaga niya ng damit si Ronnie sa academy dahil alam niyang kukulangin ito sa pang-araw-araw nitong isusuot, "But before pa kami napasok, bumili na kami ng maraming damit para sa performance night niya," paliwanag ni George.
At hindi naman daw malaki ang nagagastos siya sa text votes, ang kinakarir daw niya ay ang pangangampanya sa mga kaibigan at ibang tao na good thing din dahil marami raw supporters ang alaga niya hanggang Pampanga.
"Yung masama nga siya sa top 10, masaya na kami kasi alam ninyo naman yung nangyari before (Pinoy Pop Superstar), at least now, nandidiyan na siya.
"Ang iniisip ko na lang, after PDA anong diskarte ang gagawin ko, kasi ayoko namang maging overnight star lang si Ronnie," magandang pahayag ng manager ng binata.
At hindi na kami sinagot ni George sa tanong namin kung boto ba siya sa sinasabi ng lahat na si Yeng Constantino na ang mananalo sa December 16 as the 1st Star Dreamer ng PDA.
At last November 22 ay binuksan na ang main branch with showroom sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan with long time business partner Roland Roque.
Sinong maga-akalang ang isang sexy actor na tulad ni Allen ay suwerte pala sa negosyong pinasok dahil kapag wala pala itong tv at movie project ay bisi-bisihan ito sa opisina niya as in may day job pala siya.
Pawang mga kaibigan sa industriya ang bisita ni Allen sa grand opening ng showroom niya. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
23 minutes ago
By Gorgy Rula | 23 minutes ago
23 minutes ago
By Leon Guerrero | 23 minutes ago
Recommended