May mga gf na ang nagugustuhan
December 2, 2006 | 12:00am
Very honest at candid si Mayo Suzuki sa kanyang mga sagot sa Q&A portion hosted ng ating katotong si Ogie Diaz sa press launch ng debut album niya na pinamagatang "Telling My Heart".
Hindi ikinakaila ng teenage singer na crush niya ang boyfriend ni Sandara Park na si Joseph Bitangcol pero wala umano siyang balak na agawin ito sa kanyang girlfriend. Crush din umano niya si Christian Bautista na ang girlfriend naman ay si Rachelle Ann Go.
Nagsimula ang pagkakaroon ng crush ni Mayo kay Joseph nang magkasama sila sa show. Nakarating ang balita na pinagselosan umano siya ni Sandara.
"Hindi naman po siguro masama na magka-crush. Kung may magagalit, di maghanap na lang ng iba. Yung walang girlfriend?" simple niyang tugon.
Isinilang at lumaki si Mayo sa Japan pero gusto niyang magtapos ng kanyang high school at college sa Pilipinas dahil gusto niyang matutong mabuti ng Tagalog at Ingles.
Hindi na rin halos mabilang ang mga parangal na tinanggap ng Komiks King-turned TV and movie director-producer na si Carlo J. Caparas. Naiiba ang Gusi Peace Prize Award na tinanggap ni Direk Carlo C. kamakailan. Bukod sa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-abot nito sa kanya, kanyang nakapanabayan ang 14 na mga prominenteng personalidad hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Si Direk Carlo J. ay nakapagsulat ng mahigit 800 na nobela na lahat nalathala sa ibat ibang komiks. Two-hundred dito ay ginawang pelikula at ang iba naman ay ni-revive sa telebisyon tulad ng Panday at ngayon ang Bakekang na isang consistent top-rating program.
Si Direk Carlo J. ay tinawag na genius ni G. Dante Guevarra, ang OIC-President ng Philippine Polytechnic University na siya ring naggawad sa kanyang Pylon Peace Award sa ika-102nd anniversary ng nasabing unibersidad. Ginawaran din siya ng Gawad Komisyon ng Wika ng National Commission for the Filipino Language nung selebrasyon ng National Language Month. Siya ang kauna-unahang komiks writer na ginawaran ng ganitong parangal na madalas ibigay sa mga outstanding members ng academe, authors ng mga libro, novels, stage plays, poems at iba pang literary pieces.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Direk Carlo J. ay may isang libong mahihirap na estudyante na tinutulungan.
E-mail: [email protected]
Hindi ikinakaila ng teenage singer na crush niya ang boyfriend ni Sandara Park na si Joseph Bitangcol pero wala umano siyang balak na agawin ito sa kanyang girlfriend. Crush din umano niya si Christian Bautista na ang girlfriend naman ay si Rachelle Ann Go.
Nagsimula ang pagkakaroon ng crush ni Mayo kay Joseph nang magkasama sila sa show. Nakarating ang balita na pinagselosan umano siya ni Sandara.
"Hindi naman po siguro masama na magka-crush. Kung may magagalit, di maghanap na lang ng iba. Yung walang girlfriend?" simple niyang tugon.
Isinilang at lumaki si Mayo sa Japan pero gusto niyang magtapos ng kanyang high school at college sa Pilipinas dahil gusto niyang matutong mabuti ng Tagalog at Ingles.
Si Direk Carlo J. ay nakapagsulat ng mahigit 800 na nobela na lahat nalathala sa ibat ibang komiks. Two-hundred dito ay ginawang pelikula at ang iba naman ay ni-revive sa telebisyon tulad ng Panday at ngayon ang Bakekang na isang consistent top-rating program.
Si Direk Carlo J. ay tinawag na genius ni G. Dante Guevarra, ang OIC-President ng Philippine Polytechnic University na siya ring naggawad sa kanyang Pylon Peace Award sa ika-102nd anniversary ng nasabing unibersidad. Ginawaran din siya ng Gawad Komisyon ng Wika ng National Commission for the Filipino Language nung selebrasyon ng National Language Month. Siya ang kauna-unahang komiks writer na ginawaran ng ganitong parangal na madalas ibigay sa mga outstanding members ng academe, authors ng mga libro, novels, stage plays, poems at iba pang literary pieces.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Direk Carlo J. ay may isang libong mahihirap na estudyante na tinutulungan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended