^

PSN Showbiz

Vina, naka-one night stand ni Borgy Manotoc?

-
Nananahimik na nakikipag-meeting/brainstorming si Vina Morales para sa repeat ng concert niyang Showgirl sa February 9, 2007 na gaganapin uli sa Araneta Coliseum nang tawagan namin siya para hingan ng paliwanag sa sinabi ni Borgy Manotoc sa radio show ni DJ Mo na nakasama niya ito sa buong magdamag bukod sa dalawang female models din.

Masaya ang tinig sa kabilang linya ni Vina, "Hindi ko nga alam Reggs kung matatawa ako o magagalit kasi hindi naman siya naging parte ng buhay ko o never kaming nagkasama.

"He’s never been a part of my life kaya wala akong maramdamang galit for now, pero kung naging parte siya siguro ng buhay ko at ganyan ang sinabi niya, tiyak na magagalit ako.

"But still, he has to clear my name kasi it’s damaging to me. Heto nga I’m still waiting for tito Ricky’s (Lo) call kasi I’m asking for Borgy’s number. Kailangan niyang iklaro ang name ko," masayang tinig ni Vina.

Hindi raw sila personal na magkakilala ni Borgy, "But of course I know him, hi and hello kapag nagkikita kami sa events, other than that, wala na," sambit pa ng singer/actress.

Type ba niya si Borgy?

"Funny nga, eh, kasi ang gwapo niya, lahat yata ng girls gusto siya, e, hindi kasi siya ang type kong lalaki, wala sa kanya ang hinahanap ko, sorry ha!" magandang esplika ng ate ni Shaina Magdayao.

"Actually, bagay sila ni Shaina, pero hindi ako boto as a boyfriend kasi kiss and tell siya," dugtong pa.

O baka naman iniilusyon siya ni Borgy?

"Ha, ha, ha, hindi ko alam, pero sa ginawa niya, ide-demand kong manood siya ng repeat ng show ko para makita niya ang kamasutra dance," nagbirong sabi sa amin ni Vina.

Samantala, pakisuyo ni Vina na opening ng bagong branch ng Ystilo Salon niya sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Linggo, December 3, with a new endorser bukod sa kanya. — Reggee Bonoan

ARANETA COLISEUM

BORGY

BORGY MANOTOC

NIYA

REGGEE BONOAN

SHAINA MAGDAYAO

SIYA

VINA MORALES

YSTILO SALON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with