Anak ni Valerie, di suportado ng ama
December 1, 2006 | 12:00am
Sa pitong pangunahing bituin ng Pitong Dalagita, tanging si Valerie Concepcion lamang ang kaisa-isang dalagang-ina, meron na itong lovechild nung siyay 17 years old pa lamang. Pero natutuwa siya na sa kabila ng kanyang pagiging unwed mom ay kinuha pa rin siya para maging isa sa pitong bida ng Pitong Dalagita na nagbukas sa mga sinehan nung nakaraang Miyerkules, November 29.
Aminado ang batang aktres na ang kanyang pagiging batang-ina ang siyang dahilan kung bakit gusto niyang pagbutihing lalo ang kanyang craft bilang isang aktres.
Wala nang komunikasyon si Valerie sa ama ng bata (na kamag-anak ng TV host at radio anchor na si Ali Sotto) at wala rin itong effort na suportahan ang kanyang anak, kaya nagdu-double-up si Valerie bilang inat ama ng kanyang two-year old daughter na si Heather Fiona.
Kapag si Pops Fernandez ang ini-interview, hindi puwedeng mawala si Martin Nievera sa usapan. Ganundin naman si Martin. Ito ang mga bagay na nakakabit na sa kanila at mahihirapan na silang mabura pa. Siguro, mawawala lamang ito kapag pareho nang settled sina Pops at Martin.
Hindi ikinakaila ni Pops na maganda pa rin ang relasyon nila ni Jomari Yllana pero wala pa sa kanilang mga plano ang salitang kasal. "In fairness to Martin, never siyang nagpabaya sa kanyang obligasyon bilang ama sa mga bata. Hes a good father to his kids," deklara ni Pops na abala ngayon sa promosyon ng kanyang MMFF movie, ang Zsa Zsa Zaturnnah na dinirek ni Joel Lamangan at pinagsasamahan nila nina Zsazsa Padilla at Rustom Padilla.
Ang American-based Filipino immigration lawyer na si Atty. Lou Tancinco ang tumatayong abogado ni Nora Aunor sa Amerika na may kinalaman sa kanyang pagkakasangkot sa isang drug-related case sa Los Angeles, California may dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi pa man tapos ang kaso ni Guy (Nora) sa Amerika, malaya naman itong nakakapagtrabaho doon sa bisa ng kanyang O1-Non-Immigrant Working Visa. Kapag ninais ni Guy na manatili sa Amerika ay posible ito sa pamamagitan ng Extraordinary Alien Visa na siyang madalas i-avail ng marami sa ating mga singer-performers at mga artista.
<[email protected]>
Aminado ang batang aktres na ang kanyang pagiging batang-ina ang siyang dahilan kung bakit gusto niyang pagbutihing lalo ang kanyang craft bilang isang aktres.
Wala nang komunikasyon si Valerie sa ama ng bata (na kamag-anak ng TV host at radio anchor na si Ali Sotto) at wala rin itong effort na suportahan ang kanyang anak, kaya nagdu-double-up si Valerie bilang inat ama ng kanyang two-year old daughter na si Heather Fiona.
Hindi ikinakaila ni Pops na maganda pa rin ang relasyon nila ni Jomari Yllana pero wala pa sa kanilang mga plano ang salitang kasal. "In fairness to Martin, never siyang nagpabaya sa kanyang obligasyon bilang ama sa mga bata. Hes a good father to his kids," deklara ni Pops na abala ngayon sa promosyon ng kanyang MMFF movie, ang Zsa Zsa Zaturnnah na dinirek ni Joel Lamangan at pinagsasamahan nila nina Zsazsa Padilla at Rustom Padilla.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended