"Bebotski" sa Kyusi!
November 30, 2006 | 12:00am
Usung-uso ngayon sa ikaapat na Distrito ng Lungsod Quezon ang patimpalak na Bebotski na ang mga tunay na kalalakihan ang kalahok na ginayakan ng aksesorya at kasuotang pambabae.
Sa Brgy. Tatalon ang huling Bebotski na dinaluhan ng ilang personalidad sa showbiz at modelling world. Isa sa mga hurado ang premyadong direktor na si Ed Palmos at ilang entertainment press.
Tumayong emcee naman ang dating matinee idol na ngayon ay Brgy. Chairman Jigo Garcia ng Doña Josefa. Siya ay pinarisan ni Anna Galang, isang kilalang personalidad sa Brgy. Tatalon.
Siyempre pa, ang naturang patimpalak ay mula sa pagtataguyod ni Kon. Ariel Inton.
Ang mga nagwagi ay sina; Dann Jimson Hontimara (Antoinette Taus) na tinanghal na Bebotski sa Tatalon 2006, Orlando Dollente (Mylene Dizon) na pumangalawa at Reagan Bautista (Iya Villania) na pumangatlo naman.
Ang nagwagi ay nagkamit ng P3,000, ang pumangalawa P2,000 at ang pangatlo ay nag-uwi ng P1,000. Sila ay pinagkalooban din ng scholarship mula sa STI-Cubao at Datamex. Junne Quintana

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended