JayR, producer ng sariling album
November 30, 2006 | 12:00am
Nagpamalas ng versatility si JayR sa kanyang holiday album, ang "Christmas Away From Home" na siya mismo ang nagprodyus sa sarili niyang JAYRS Music, kumanta, nag-areglo at gumawa ng layout. Meron din siyang sariling komposisyon sa loob, ang "Tito Reny" at "Spread the Love". Tinulungan siya ng kapatid niyang si Jhing sa paglikha ng mga ito.
Sa halip na R&B na siya niyang forte, jazz ang tipo ng mga awitin sa album. Ginawa niya ito para pahangain ang kanyang mga tiyuhin na pawang mga musikero. Na-appreciate nila ito, agad nila siyang tinawagan para ipabatid sa kanya. Isa sa mga awitin sa loob ay isang tribute sa isang amain na kamamatay lamang.
Wala namang conflict sa Universal Records ang pagpoprodyus ni JayR ng sarili niyang album, per album ang kontrata niya rito.
Tampok sa album ang version ni JayR ng mga awiting "The Christmas Song", "Winter Wonderland", "This Christmas", (featuring Kris Lawrence), "Santa Baby" (featuring Amber), "Little Drummer Boy", at "This Christmas".
May mga instrumental pieces din sa loob ("The Christmas Song", "Winter Wonderland" at "This Christmas").
Mahigpitan na ang labanan sa Philippine Idol ng ABC5.
Tatatlo na lamang ang natitirang contestants, sina Jan Nieto, Giancarlo Magdangal at Mau Marcelo.
Bagaman at sinasabing magiging patas ang labanan among the three, parang ayaw kong maniwala, siguradong makikialam na naman ang mga text voters at baka hindi ako mag-agree sa gusto nila.
Lamang si Mau pagdating sa kantahan pero, lamang sa look vote wisely and intelligently. Dapat mag-stick na lang sila sa criteria.
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended