^

PSN Showbiz

Pops, kontrabida ni Zsazsa!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ang galing-galing ni Pops Fernandez bilang Queen Femina sa mega-budget musical adventure na ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh na sa unang pagkakataon ay pumayag siyang maging kontrabida.

"Why not kung maganda ba ang istorya at challenging yung role okey lang sa akin," sey nito.

Napaka-sexy ng kanyang outfit sa pelikula at inamin ni Pops na kung sila pa ng ex-husband na si Martin Nievera ay di ito papayag sa ganoong ka-seksing outfit. Pero ang kanyang mga anak na sina Robin at Ram ay gustung-gusto naman ang kanyang karakter.

"Ninerbyos ako nang makita ko ang isusuot kong costume pero, wala naman akong magagawa dahil professional at istrikto si Direk Joel Lamangan. Kailangan din ito sa istorya," dagdag pa ng singer-actress.

Kasama pa rin ni Pops ang apat na fashionistang Amazonista na sina Say Alonzo (Vilma S), Kitkat (Nora A) Glaiza de Castro (Dina) at Giselle Sanchez (Sharon C).

Si Joel Lamangan ang nagdirek ng ZZZ mula sa screenplay na si Dinno Erece at batay sa best selling graphic novel ni Carlo Vergara.
Glaiza, Sumabak Din Sa Komedi
Gagampanan ni Glaiza de Castro ang karakter ni Dina Bonnevie na future mother-in-law ng boyfriend na si Oyo Boy Sotto.

"Kabado rin po ako Tita dahil mas nakakatawa ang role ko sa Zsa Zsa Zaturnnah kaysa sa Manay Po. First time kong maging kontrabida at mag-komedi pero, tinulungan ako ni Direk Joel para mas maging katawa-tawa rito. Magiging masaya rin ako kung mapapatawa ko ang audience na manonood nitong pelikula," dagdag pa nito.
Giselle, Fan Ni Mega
Dream come true kay Giselle Sanchez na gampanan ang role ni Sharon Cuneta sa pelikulang ZZZ. Fan kasi siya ng magaling na actress-singer.

Pangatlo ng pelikula ito ni Giselle sa Regal Entertianment at pangatlo rin kay Direk Joel bilang director. Nagustuhan kasi ni Roselle Monteverde Teo ang pagpapatawa ni Giselle sa Manay Po at Ako Legal Wife.
AJ, Pangarap Maging Doktor
Thirteen years old lang si AJ Perez pero kung titingnan ito, parang seventeen years old na. Napakagwapo ng teener na sumikat sa Milo commercial. Ipinatawag ito ng ABS-CBN para maging artista. Hindi nito akalain na sa isang iglap ay nasa showbiz na siya at nakasama sa Star Magic Presents (Piolo Pascual) at ngayon ay nasa telebisyon na via All Ur Luv kasama ang mga bagets ng Dos.

Grade VII na sa La Salle Greenhills si AJ.

"Kahit po artista na ako ay gusto ko ring makatapos ng kursong medisina. Pangarap kong maging isang doctor," aniya.

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

ALL UR LUV

CARLO VERGARA

DINA BONNEVIE

DINNO ERECE

DIREK JOEL

GISELLE SANCHEZ

GLAIZA

MANAY PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with