^

PSN Showbiz

‘Out of Town’ ng NBN 4, lumalaban sa ratings

-
Sa latest survey ng mga programa sa telebisyon tuwing araw ng linggo, patuloy na tumataas ang rating ng programang Out Of Town ng NBN Channel 4 kung saan ang host nito ay ang batikan ding manunulat/reporter na si Abel Cruz.

Maswerte ngang masasabi ang nasabing programa na kahit ang katapat na mga programa nito sa telebisyon ay SOP at ASAP ay lumalaban ito sa dami ng mga manonood.

Ibang show naman kasi ang Out Of Town na ito ni Abel Cruz na nagbibigay aral, inspirasyon sa mga manonood. Educational din ito kung saan patuloy tayong ipinapasyal ni Abel sa iba’t ibang dako ng ‘Pinas at iba pang lugar sa ibang bansa.

Sabi nga, mahihirapan kang malungkot at mangulila habang pinapanood mo ang programa na nagdadala sa’yo sa mga lugar, bayan, atbp.

Napapanood tuwing araw ng Linggo, 12NT — pakaabangan ang pamamasyal ni Abel sa ibang panig ng America. — Charlie V. Lozo

vuukle comment

ABEL CRUZ

CHARLIE V

IBANG

LINGGO

LOZO

MASWERTE

NAPAPANOOD

OUT OF TOWN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with