Mawala na silang lahat, huwag lang si Mau!
November 29, 2006 | 12:00am
Sa wakas ay natanggal ang nagpipilit na maging first idol ng Philippine television na si Miguel Mendoza last Monday sa tsugihan portion ng PI at pinakinggan na rin ng text voters ang sinabi ni Mr. Ryan Cayabyab nung Sunday na kung matsugi man siya last Monday ay igagawa na lang niya ito ng kanta para sa first album nito.
Nasaktan at napaluha si Miguel sa sinabing iyon ng mataray na hurado at marahil ay na-realize na niyang last performance na niya iyon sa PI.
Duda namin ay naawa na ang mga bumuboto kay Miguel sa linggu-linggong panglalait na ginagawa sa kanya, kaya hindi na siya iniligtas pa o sadyang mas ibinoto ng tao sina Jan Nieto, Gian Magdangal at Mau Marcelo.
Sa ipinakitang performance ng tatlo last Sunday ay na-impress na naman ni Mau ang mga hurado sa awiting "Waray-Waray" kumpara sa "My Funny Valentine," pero nagustuhan pa rin siya at say nga ni Mr. C, "Mawala na silang lahat, huwag lang ikaw."
So, panalo na ba si Mau Marcelo?
Ang Bitoys Funniest Video na pala ang katapat ngayon ng Pedro Penduko at hindi na ang Fantastik Kids ni Marky Cielo?
Dalawang magkasunod na Sabado nang nagkatapat ang Bitoys Funniest Video at ang Penduko at nanalo ang fantaserye ni Matt Evans kaya naman tuwang-tuwa ang bagets, at surprisingly, last Saturday, November 25 ay muling nanalo ang Pedro Penduko against Michael V sa rating na 21.6% over 19.7%.
Bale 3rd time nang natatalo si Bitoy, isa sa Magandang Gabi Bayan, two years ago at dalawa sa Pedro Penduko ngayong taon?
Panalo rin ang ASAP 06 sa SOP Music Awards last Sunday. In fairness maganda ang ASAP nung Linggo, imagine, napagsama-sama uli ang original cast ng Bagets minus Aga Muhlach, TGIS at Viva Teens na may show na Posh sa QTV.
25th year anniversary kasi ng Viva at sa ASAP ito isinelebra at hindi sa GMA-7 considering na sa kanila ang tv rights ng TGIS at Posh.
Winner na naman as usual ang The Buzz na nakakuha ng 12.7% sa S-Files na 10% lang.
Hindi na nabigla ang bossing ng Dos na natalo uli ang Your Song na 11.4% at Love Spell 10.8% sa Kapuso Movie Festival na Enteng Kabisote uli ni Vic Sotto.
And speaking of Vic, buti na lang nag-rate ang Eat Bulaga over Wowowee last Saturday para sa kasal-kasal ek-ek nila ni Pia Guanio.
Puwedeng itapat ang Zsa Zsa Zaturnnah Zee Moveeh ni Zsazsa Padilla sa Enteng Kabisote ni Vic Sotto dahil pareho silang super hero ek-ek.
Kaya naman super tuwa ni Zsazsa dahil maganda ang feedback sa movie niya at umaasa siyang gawing series din ito every year tulad ng Mano Po at sana rin ay siya ang kunin every year ni Mother Lily Monteverde.
"I am happy that ako ang nagsimula ng Zsa Zsa Zaturnnah and sana ako rin next year ang gumanap dito," masayang pahayag ng aktres sa press launch ng ZZZ last Monday.
At maging ang isa sa kontrabida na si Kitkat ay nadulas na walang mamamatay sa kanilang mga kalaban ni Zsa Zsa Zaturnnah dahil may part two ito next year, 2007.
Hala, so its between Vic at Zsazsa na ang magkalaban every year sa MMFF? Reggee Bonoan
Nasaktan at napaluha si Miguel sa sinabing iyon ng mataray na hurado at marahil ay na-realize na niyang last performance na niya iyon sa PI.
Duda namin ay naawa na ang mga bumuboto kay Miguel sa linggu-linggong panglalait na ginagawa sa kanya, kaya hindi na siya iniligtas pa o sadyang mas ibinoto ng tao sina Jan Nieto, Gian Magdangal at Mau Marcelo.
Sa ipinakitang performance ng tatlo last Sunday ay na-impress na naman ni Mau ang mga hurado sa awiting "Waray-Waray" kumpara sa "My Funny Valentine," pero nagustuhan pa rin siya at say nga ni Mr. C, "Mawala na silang lahat, huwag lang ikaw."
So, panalo na ba si Mau Marcelo?
Dalawang magkasunod na Sabado nang nagkatapat ang Bitoys Funniest Video at ang Penduko at nanalo ang fantaserye ni Matt Evans kaya naman tuwang-tuwa ang bagets, at surprisingly, last Saturday, November 25 ay muling nanalo ang Pedro Penduko against Michael V sa rating na 21.6% over 19.7%.
Bale 3rd time nang natatalo si Bitoy, isa sa Magandang Gabi Bayan, two years ago at dalawa sa Pedro Penduko ngayong taon?
Panalo rin ang ASAP 06 sa SOP Music Awards last Sunday. In fairness maganda ang ASAP nung Linggo, imagine, napagsama-sama uli ang original cast ng Bagets minus Aga Muhlach, TGIS at Viva Teens na may show na Posh sa QTV.
25th year anniversary kasi ng Viva at sa ASAP ito isinelebra at hindi sa GMA-7 considering na sa kanila ang tv rights ng TGIS at Posh.
Winner na naman as usual ang The Buzz na nakakuha ng 12.7% sa S-Files na 10% lang.
Hindi na nabigla ang bossing ng Dos na natalo uli ang Your Song na 11.4% at Love Spell 10.8% sa Kapuso Movie Festival na Enteng Kabisote uli ni Vic Sotto.
And speaking of Vic, buti na lang nag-rate ang Eat Bulaga over Wowowee last Saturday para sa kasal-kasal ek-ek nila ni Pia Guanio.
Kaya naman super tuwa ni Zsazsa dahil maganda ang feedback sa movie niya at umaasa siyang gawing series din ito every year tulad ng Mano Po at sana rin ay siya ang kunin every year ni Mother Lily Monteverde.
"I am happy that ako ang nagsimula ng Zsa Zsa Zaturnnah and sana ako rin next year ang gumanap dito," masayang pahayag ng aktres sa press launch ng ZZZ last Monday.
At maging ang isa sa kontrabida na si Kitkat ay nadulas na walang mamamatay sa kanilang mga kalaban ni Zsa Zsa Zaturnnah dahil may part two ito next year, 2007.
Hala, so its between Vic at Zsazsa na ang magkalaban every year sa MMFF? Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended