Richard, bibili ng bahay sa Las Vegas!
November 28, 2006 | 12:00am
Naniniwala si Richard Gutierrez na habang bata pa siya ay dapat samantalahin ang magagandang pagkakataon na dumarating sa buhay niya. Kaya naman kahit anong dami ng showbiz commitment ng guwapong aktor ay ginagawa niya. Propesyonal ito at never na naging sakit ng ulo ng direktor o mga kasamahang artista, kaya naman madali nitong naabot ang tagumpay.
"Lahat ng ginagawa kong pelikula o teleserye ay lagi kong pinagbubutihan. Mahigpit ngayon ang competition. After Captain Barbell ay may gagawin akong fantaserye na mas malaki pa sa Captain Barbell," anang aktor.
May nakalinya na ring Valentine presentation sina Richard at Angel Locsin under GMA Films inspired sa istorya ng Hihintayin Kita sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
"Halos wala na siyang tulog sa syuting ng Mano Po 5 na entry ng Regal Entertainment sa MMFFP.
"Kaya siguro ngayong Pasko ay magtutulog lang ako sa bahay. Pagkatapos ng lahat kong commitment ay gusto kong magbakasyon isang buwan sa ibang bansa, malamang na sa Bahamas," aniya.
Tinanong din namin si Richard kung ano pa ang pangarap niyang gustong matupad bukod sa pagiging isang direktor.
"Gusto kong bumili ng bahay sa Las Vegas o makatapos ng pag-aaral kapag maluwag na ako sa commitment," dagdag pa nito.
Para kay Ana Capri, maswerte sa kanya ang damit na isinuot niya mula sa yumaong lola na nagbigay sa kanya ng tagumpay bilang Best Actress sa CineManila noon. Ikalawa nitong award bilang Best Actress uli sa CineManila para sa Ala Verde Ala Pobre.
Sa Matakot Ka Sa Karma ay isang yaya ang role na gagampanan nito.
Ano pa ang karakter na gusto mong gampanan sa pelikula?
"Gusto kong maging isang madre o kaya yung ala-Trans America na movie kung saan ang bidang babae ay nagtrans-gender para maging isang lalaki. Ang bida roon ay nagkamit din ng Best Actress Award sa Golden Globe," aniya.
Magkaibigang matalik sina Sandara Park at Katrina Halili at nabuo ito sa syuting ng SuperNoypi. Sa sobrang closeness ay naintriga ang dalawa kung saan sinasabing tibo si Katrina.
Mabait kasi siya sa akin pero kaibigan ko lang siya. Minsan ay nagtutungo ako sa bahay nila at dun nakikikain kaya nakakatipid din ako sa pagkain. Bina-budget kong mabuti ang pera ko, anang aktres.
Panganay sa dalawang magkapatid si Sandara at wala namang trabaho ang kanyang ina na kasama niya. Ang bayad pa ng aktres sa condo na inuupahan nila sa may Ortigas ay P25,000. Wala namang gaanong proyekto si Sandara kaya tipid din ang kanyang pamilya.
Nagpapasalamat nga ito dahil may proyekto siya sa Regal, SuperNoypi kung saan nahirapan siya sa isang eksena na rain effect kung saan nagsimula ito ng 10 PM at natapos ng 5 AM.
Sobra ang ginaw at sobra akong nilamig kaya tinulungan akong bigyan ni Katrina ng mga gamit sa katawan gaya ng underwear sey pa nito.
Bukod kay Katrina ay naging kaibigang matalik din ni Sandara si Jennylyn Mercado at magkasama sila sa sing-along bars dahil mahilig ang dalawa sa pagkanta.
"Lahat ng ginagawa kong pelikula o teleserye ay lagi kong pinagbubutihan. Mahigpit ngayon ang competition. After Captain Barbell ay may gagawin akong fantaserye na mas malaki pa sa Captain Barbell," anang aktor.
May nakalinya na ring Valentine presentation sina Richard at Angel Locsin under GMA Films inspired sa istorya ng Hihintayin Kita sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
"Halos wala na siyang tulog sa syuting ng Mano Po 5 na entry ng Regal Entertainment sa MMFFP.
"Kaya siguro ngayong Pasko ay magtutulog lang ako sa bahay. Pagkatapos ng lahat kong commitment ay gusto kong magbakasyon isang buwan sa ibang bansa, malamang na sa Bahamas," aniya.
Tinanong din namin si Richard kung ano pa ang pangarap niyang gustong matupad bukod sa pagiging isang direktor.
"Gusto kong bumili ng bahay sa Las Vegas o makatapos ng pag-aaral kapag maluwag na ako sa commitment," dagdag pa nito.
Sa Matakot Ka Sa Karma ay isang yaya ang role na gagampanan nito.
Ano pa ang karakter na gusto mong gampanan sa pelikula?
"Gusto kong maging isang madre o kaya yung ala-Trans America na movie kung saan ang bidang babae ay nagtrans-gender para maging isang lalaki. Ang bida roon ay nagkamit din ng Best Actress Award sa Golden Globe," aniya.
Mabait kasi siya sa akin pero kaibigan ko lang siya. Minsan ay nagtutungo ako sa bahay nila at dun nakikikain kaya nakakatipid din ako sa pagkain. Bina-budget kong mabuti ang pera ko, anang aktres.
Panganay sa dalawang magkapatid si Sandara at wala namang trabaho ang kanyang ina na kasama niya. Ang bayad pa ng aktres sa condo na inuupahan nila sa may Ortigas ay P25,000. Wala namang gaanong proyekto si Sandara kaya tipid din ang kanyang pamilya.
Nagpapasalamat nga ito dahil may proyekto siya sa Regal, SuperNoypi kung saan nahirapan siya sa isang eksena na rain effect kung saan nagsimula ito ng 10 PM at natapos ng 5 AM.
Sobra ang ginaw at sobra akong nilamig kaya tinulungan akong bigyan ni Katrina ng mga gamit sa katawan gaya ng underwear sey pa nito.
Bukod kay Katrina ay naging kaibigang matalik din ni Sandara si Jennylyn Mercado at magkasama sila sa sing-along bars dahil mahilig ang dalawa sa pagkanta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended