^

PSN Showbiz

Planong mag-rent ng sinehan para sa mga kamag-anak na manonood sa first day ng ‘Kasal!’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi alam ni Ryan Agoncillo na may tsismis sa kanila ni Juliana Palermo habang ginagawa ang Kasal, Kasali, Kasalo at natatawa itong itinanggi ang nasulat. Juliana is very sexy pero, masaya na ako sa lovelife ko," pahayag nito.

Hindi rin naman naniwala si Judy Ann Santos at wala raw siyang nakitang kakaibang kilos ng bf at ni Juliana nang dumalaw siya sa last shooting day. Nag-usap pa raw sila ni Juliana at pagkatapos noon, tahimik lang itong naka-upo sa dressing room.

Maganda rin ang sagot ni Ryan sa interview kay Jeffrey Santos, kuya ni Judy Ann, kung saan, sinabi raw nito na ‘di pa siya masyadong tanggap nito para maging brother-in-law.

"I understand him. Hindi pa kami kasal ng kapatid niya at may reservation pa siya and I respect Jeff for that. Walang problema sa interaction namin and I respect him as a kuya. I also know, he trusts Judy Ann," sabi nito.

Siguro naman, sasama si Jeff sa immediate relative ni Judy Ann na sasamang manood ng KKK sa first day at first screening nito kung saan, planong mag-rent ng theater ng mag-dyowa to accommodate their respective families. Chance ito ni Jeff to know more of Ryan and his family para maalis kung may pagdududa pa siya sa bf ng kapatid.
* * *
Ayaw patulan ni Valerie Concepcion ang kantyaw ng press na ‘di siya bagay sa cast ng Pitong Dalagita dahil mommy na siya. Oo nga’t, kasing-edad lang niya ang mga kasama sa cast maliban kay Yasmien Kurdi pero, may anak na siya. Hindi nga naman nito kasalanan ang pagkakasama sa pelikula’t pinili siya ni direk Cris Pablo at ng Canary Films.

Ipinakita sa amin ni Val ang picture sa kanyang cellphone ng two-year-old daughter niyang si Heather Fiona. Maganda at bibo raw ang anak niya at alam na artista siya at pinapanood siya sa Atlantika at sa nilalabasan niyang mga show ng GMA-7.

Minsan, napagkamalan nitong siya si Rochelle Pangilinan at nag-react nang may sumampal kay Rochelle, ‘wag daw sasaktan ang mama niya. Kilala rin ng bagets ang ina sa billboard ng Pitong Dalagita at itinuturo sa kanyang lola ‘pag nakakakita nito.
* * *
Madaling naka-adjust sa movies si Christian Bautista. Sa first day shooting lang ng Mano Po 5 siya ninerbyos ng husto dahil sa second day, less nerbyos na siya at sa third day at sa mga sumunod niyang eksena’y relax na siya.

"I can say I am improving and I’m ready for more movies. In fact, may next project na ako sa Regal pa rin. Masaya pala," wika nito.

Game rin si Christian sa fight scene nila ni Richard Gutierrez dahil magagawa na raw niya ang napanood sa favorite Chinese movies niya gaya ng Hero at Crouching Tiger Hidden Dragon. Nahirapan lang siya sa Fan Dance number nila ni Angel Locsin dahil hindi siya dancer at impromptu nilang ginawa ang eksena. Pareho raw silang naguluhan ng actress.

Incidentally, first Christmas nina Christian at Rachelle Ann Go as sweethearts ang darating na Pasko. Wala pa raw silang plano but definitely, yayayain niya ang gf na manood ng kanyang unang pelikula at hihintayin ang comment nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CANARY FILMS

CHRISTIAN BAUTISTA

CRIS PABLO

JUDY ANN

JULIANA

NITO

PITONG DALAGITA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with