^

PSN Showbiz

P4M, puhunan sa album ni Basil

-
Paminsan-minsan na lang tayo makarinig ng isang album na ginagastusan talaga ang paggawa. Bantulot na rin ang mga record producers na gumawa ng isang magastos na album. May kakayahan ang ating mga artists, pero natatakot ang mga producers dahil alam naman nila na mapipirata lang iyon.

Pero kung minsan nananaig din naman ang paghahangad nilang makagawa ng isang mahusay na album, kaya nangapital sila ng apat na milyong piso para mabuo ang Filipino Classics album ni Basil Valdez.

Ang San Miguel Philharmonic Orchestra ang tumugtog at ang musical director na si Ryan Cayabyab ang siyang naging arranger at conductor sa recording na iyon.

Pero ang talagang matindi iyan ay ang mga klasikong awiting Pilipino na siyang kinanta ni Basil sa nasabing album.

Alam ba ninyo na mas mataas ang royalty na ibinabayad sa mga klasikong awitin kaysa sa mga kantang bagong gawa? Natural lang naman iyon dahil itinuturing na nga iyang classics, o mga awiting mananatili habang panahon. Karamihan sa mga awiting iyon ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

Kabilang sa album ang mga klasikong "Sa Ugoy ng Duyan," "Madaling Araw," "Bituing Marikit," "Babalik ka Rin" at "Bayan Ko."

Kaya nga sinasabi ni Basil na sana naman iyong original na album ang bilhin ng mga tao, dahil napakalaki ng puhunan ng Viva Records para mabuo, at maaaring masundan lamang iyon kung makakabawi man lang ang mga producers niya sa napakalaking gastos.
* * *
Palagay lang namin, maaapektuhan si Jennylyn Mercado ng mga hindi magagandang usapan tungkol sa kanya. Ngayon naman, ang ka-conflict niya ay si Ryza Cenon, pero siyempre dahil mas malaking star siya, pabor pa rin sa kanya ang Channel 7. Pero sa napansin namin, mas marami yata ang may simpatiya kay Ryza sa usapang ito.

Nauna rito, nagkaroon na rin ng problema nang magsalita noon si Alessandra de Rossi tungkol sa pakikipag-text ni Jennylyn kay Jeremy Marquez na noon ay boyfriend pa ni Alessandra.

Mukhang pinapahamak si Jennylyn ng kanyang mga love affairs. Aba eh kailangang mag-isip isip siya dahil naaapektuhan na siya.
* * *
Ang tsismis, siguro naman daw matatauhan na ang isang female star matapos niyang mahuli ang boyfriend na nakikipaghalikan sa kapwa niya lalaki. Actually magka-date daw ang dalawa, tapos nagpaalam sandali ang lalaki dahil may kakausapin lang daw kakilala. Nang matagalan, sinundan siya ng female star at kitang-kita niya na nakikipaghalikan sa ibang lalaki ang kanyang boyfriend.

Pero mukhang hindi pa rin natatauhan ang female star, dahil ang sinasabi raw nito, ok lang sa kanya ang lahat. Kasi nakikipag-relasyon man sa kapwa lalaki ang boyfriend niya, patago naman. - Ed De Leon

vuukle comment

ALBUM

ALESSANDRA

BASIL VALDEZ

BAYAN KO

BITUING MARIKIT

DAHIL

ED DE LEON

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with