^

PSN Showbiz

Bea, Mico 2 buwan nang may relasyon

-
Matagal nang natsi-tsismis na mag-on sina Mico Palanca at Bea Alonzo, pero walang confirmation na nanggagaling sa dalawa, ang paliwanag lagi ng leading lady ni John Lloyd Cruz sa Maging Sino Ka Man ay, "Hindi po kami, we’re good friends."

Pero last Thursday night ay magkasamang nanood sa show ni bossa nova singer Sitti sa Metro Bar sina Mico at Bea kasama rin sina Victor Neri with friend Jojo Manlongat, Nadia Montenegro at ang younger sister na si Tanya pero nakakailang kanta palang si Sitti ay nagyaya nang umuwi si Bea.

At in public, magka-holding hands nang naglalakad ang dalawa at hindi na puwedeng i-deny pa ang kanilang two month old relationship (pagkakaalam namin) at iisa ang comment ng mga nakakita, "Bagay sina Mico at Bea."

In fairness, perfect combination sila kaya nagtataka kami kung bakit ayaw pa nilang umamin, especially Bea na tanggap din naman ng fans maski hindi sila ni Loydie dahil vocal din naman ang aktor sa non-showbiz girlfriend niyang si Liz Uy.

And speaking of Victor Neri ay nangangamoy away sila ng girlfriend niyang si Michelle Madrigal dahil huling-huli naming titig na titig siya kay Sitti habang sumasayaw ito sa stage at kinukunan pa ng video sa cellphone niya na hindi naman nakaligtas sa paningin ng isa sa host ng Pinoy Dream Academy sa Studio 23.

At may nagsabi yata na "type ni Victor" si Sitti na sinagot naman ng dalaga na naka-mickrophone ng, "Ha? Di ba may girlfriend ka, si Michelle?" at nagkatawanan ang ibang audience.

Kaya inaasar naman ni Jojo Manlongat ang aktor na indirect na sinabing, "Hindi ka na puwede, ako na lang," kasi ibinuking sa amin ng taga-production na type ng ex-boyfriend ni Angelu de Leon ang charming na bossa nova singer.

Kaya naman maski tapos na ang show ay hindi pa rin umaalis sina Victor at Jojo na tila hinihintay ang paglabas ni Sitti ng dressing room.
* * *
Super-duper excited na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa remake ng Hihintayin Kita Sa Langit dahil napakagandang pelikula raw iyon nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Ayon sa leading man ni Chard sa Mano Po 5, "Naku ikamamatay ko tiyak ang shooting n’yan kasi kakarerin ko talaga dahil sobrang ganda ng pelikulang ‘yun.

"E, paano ko pa kaya magagawa yun kung pang Valentine offering yun, e, nagte-taping pa kami ng Asian Treasures? Ang hirap-hirap ng taping namin ni Robin (Padilla) kaya goodluck talaga sa akin," nakangiting sabi ng aktres.

Hindi pa alam nina Richard at Angel ang working title ng pelikula basta ang alam nila ay inspired ito sa Hihintayin..

At base sa pagtatanong namin sa taga-GMA ay The Promise ang final title ng movie at ang kakanta ng theme song ay si Regine Velasquez.

Samantala, excited din si Angel sa movie nilang Mano Po 5 dahil sa love story nila ni Richard naka-focus at parang true-to-life story ito dahil ipinaglaban niya ang lalaking mahal niya sa magulang niyang sina Lorna Tolentino at Tirso Cruz III na ayon din sa aktres na halos ganito rin ang father niya sa umpisa na hindi boto sa mga naging boyfriend niya but later on, nagkakasundo na rin. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ASIAN TREASURES

BEA

BEA ALONZO

JOJO MANLONGAT

MANO PO

SITTI

VICTOR NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with