^

PSN Showbiz

Bumabalik ng Japan para lang magpa-gupit!

- Veronica R. Samio -
Mahigit nang isang taon dito si Mayo Susuki, isang baguhang Fil-Jap singer, pero kailan lamang inilabas ng Ivory Records ang kanyang debut album titled "Telling My Heart" na naglalaman ng apat na komposisyon ni Vehnee Saturno ("Pasulyap-Sulyap", "Nais Sabihin", "Telling My Heart","In My Heart and Mind" at ang Japanese version ng "Pasulyap-sulyap", ang "Chira-Chira".

Si Mayo ay pumunta lamang ng ‘Pinas para mag-aral ng Ingles pero, bukod sa lengwahe ng Kano ay matatas na siyang mag-Tagalog at Bisaya, her mother being a Pinay coming from the Visayan region and her dad a Japanese businessman.

Bagaman at masaya si Mayo, edad 17, na unti-unti na siyang nakikilala sa larangan ng showbiz, ngayon lamang niya nari-realize na may kakambal palang kontrobersya, intriga at mga gulo ang pag-aartista rito sa bansa ng kanyang ina at itinuturing niyang ikalawang tahanan niya.

Nalulungkot siya na naiintriga siya kay Sandara Park dahilan sa friendship niya sa boyfriend nitong si Joseph Bitangcol at napagbibintangan pa siyang nanggagamit dito.

"Wala akong balak na gamitin siya. I’ve been happily working my way up until I met Joseph nang magkasama kami sa isang show. Then he invited me to his show, na di ko alam na pagsisimulan pala ng intriga," paliwanag ng Fil-Jap na graduating na ng high school sa Colegio de San Agustin.

"Wala akong interes sa boyfriend niya, at kahit sinumang lalaki at the moment other than friendship," dagdag pa ni Mayo who can very well pass for a shampoo commercial model dahil maganda ang hair niya na sa Japan pa niya ipinagugupit. "Umuuwi ako ng Japan just to have a haircut, nadala kasi ako nang minsang ipaputol ko ito rito, muntik masira," sabi niya.
* * *
Hindi ko naman masisi si Sandara Park kung over-protective man siya sa boyfriend niya. Ito na ang naging sandalan niya nung bumalik siya from Korea. Katunayan, para ito hindi magselos, ni ayaw niyang mapalapit sa kahit na sinong lalaking artista na makasama niya.

Sa pictorial ng Super Noypi ay asiwa siya sa pictorial nila ni Polo Ravales. At sana naman hindi flirty ang bf niya para di siya ma-off sa mga balita linking him with Mayo. Di ko rin siya masisisi kung inaakala niyang ginagawa siyang tuntungan ng baguhang singer para ito makilala kaya niya sinabing, "Huwag siyang manggamit, maghirap siya dahil naghirap din ako sa Star Circle Quest (SCQ)."

Pero, ayaw nang pumatol sa mga intriga ng Korean teenstar. Mas gusto niyang mag-focus sa Super Noypi ng Regal Entertainment na kung saan ay isa siyang super hero, nakakagawa siya ng apoy at yelo at nakokontrol niya ang weather. Misyon nila nina Lia (Jennylyn Mercado), Lorenzo (Mark Herras), Annys (Katrina Halili), Yñigo (John Prats), Tonton (Angelo Muhlach) at Euen (Polo Ravales) na sugpuin ang masamang si Diego (Monsour del Rosario) na gustong wasakin ang mundo.

Ang Super Noypi ay palabas sa MMFF at nasa direksyon ni Quark Henares.
* * *
Sa mga artistang boksingerong sumabak sa Part 2 ng Bakbakan ’06 na itinaguyod ng Manila Broadcasting Company sa Star City nung Nob. 18, nanalo sina Cesar at Rommel Montano laban sa kanilang mga kalabang sina Charlie Balena at Emilio Garcia. Nanalo rin si Polo Ravales laban kay Justin de Leon. Tanging si Christian Vasquez ang natalo at nagdugo pa ang ilong nito sa laban nila ni John Hall.

Di tulad nung unang Bakbakan ’06, na naging kontrobersyal ang naging labanan nina Rommel at Andrew Wolff, walang gulo na naganap this time at nagustuhan ng manonood ang naging labanan. Medyo disappointed lamang ang manonood dahil para raw hindi ganado ang naging labanan nina Cesar at Balena na siguro ay bunga ng kakulangan sa praktis ni Cesar na abalang abala sa pagsasaayos ng entry ng CM Films niya sa MMFF, ang Ligalig.

ANDREW WOLFF

ANG SUPER NOYPI

ANGELO MUHLACH

NIYA

POLO RAVALES

SANDARA PARK

SIYA

SUPER NOYPI

TELLING MY HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with