Lotlot, bad girl
November 22, 2006 | 12:00am
Sinusuwerte si Lotlot de Leon dahil di pa man nawawala ang character niya sa Bakekang, may kasunod na siyang show sa GMA-7. Kasama siya sa cast ng Princess Charming, ang soap na pagbibidahan ng mga bata sa nabanggit na teledrama na sina Jolina Marie Reyes (the young Kristal) and Eunice Lagusad (the young Charming).
Hindi pa namin alam ang role ni Lotlot pero, dahil effective siyang kontrabida, di kami magugulat kung bad girl role rin ang ibigay sa kanya. Magkikita pala uli sila ng young Charming na inapi rin niya sa Bakekang.
Habang tina-type namin ang kolum na ito, nakatanggap kami ng text message na nakakuha ng 36.6 % ang Bakekang noong Novmber 16, the highest rating na nakuha nito. In fairness, isa si Lotlot sa inaabangan ng viewers kahit naiinis sa kanya ang majority at may friend nga kaming gusto siyang sabunutan pag nakita.
Pero alam nyo, ang pinakahihintay naming mangyari ay ang paggi-guest ni Lotlot sa Lagot Ka Isusumbong Kita kung saan, bida ang ex-mom-in-law niyang si Pilita Corrales.
Medyo nalungkot kami sa "sana" na sagot ni Rochelle Pangilinan sa tanong namin kung type niya at mga kasama sa Sexbomb na mag-promote ng kanilang "Daisy Siete: V-Day" album sa Eat
Bulaga. Pero, malabo raw itong mangyari sa ngayon.
Sinundan pa ito ni Jopay Paguia sa wish na i-guest sana uli sila ng GMA-7 sa mga show para madagdagan daw ang kanilang kita. Ang Daisy Siete na lang ang regular TV show nila at di na raw sila masyadong nakakasayaw na nami-miss nila ng husto.
Nalungkot si Bearwin Meily sa di pagkatuloy ng Boy Bawang na follow-up movie sana ng Hari ng Sablay. Baka raw isipin ng tao na kaya di natuloy ang pelikula dahil flop ang HNS pero, ang tunay na dahilan ay dahil sa rights. Di raw naayos ang negosasyon ng Regal sa manufacturer ng Boy Bawang kaya, kinansela ang project.
Nagpapasalamat lang si Bearwin dahil dalawa ang kapalit ng nawala niyang project. Isa rito ang Tatlong Baraha ng Violett Films at Shake, Ratlle & Roll 8, kung saan, bida sila ni Keanna Reeves sa 13th Floor episode. Horror-comedy daw ang pelikula pero, nakakatakot pa rin kahit sa fifth floor at di sa 13th floor sila nag-shooting. Nitz Miralles
Hindi pa namin alam ang role ni Lotlot pero, dahil effective siyang kontrabida, di kami magugulat kung bad girl role rin ang ibigay sa kanya. Magkikita pala uli sila ng young Charming na inapi rin niya sa Bakekang.
Habang tina-type namin ang kolum na ito, nakatanggap kami ng text message na nakakuha ng 36.6 % ang Bakekang noong Novmber 16, the highest rating na nakuha nito. In fairness, isa si Lotlot sa inaabangan ng viewers kahit naiinis sa kanya ang majority at may friend nga kaming gusto siyang sabunutan pag nakita.
Pero alam nyo, ang pinakahihintay naming mangyari ay ang paggi-guest ni Lotlot sa Lagot Ka Isusumbong Kita kung saan, bida ang ex-mom-in-law niyang si Pilita Corrales.
Sinundan pa ito ni Jopay Paguia sa wish na i-guest sana uli sila ng GMA-7 sa mga show para madagdagan daw ang kanilang kita. Ang Daisy Siete na lang ang regular TV show nila at di na raw sila masyadong nakakasayaw na nami-miss nila ng husto.
Nagpapasalamat lang si Bearwin dahil dalawa ang kapalit ng nawala niyang project. Isa rito ang Tatlong Baraha ng Violett Films at Shake, Ratlle & Roll 8, kung saan, bida sila ni Keanna Reeves sa 13th Floor episode. Horror-comedy daw ang pelikula pero, nakakatakot pa rin kahit sa fifth floor at di sa 13th floor sila nag-shooting. Nitz Miralles
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended