Melanie, nag-graduate ng BSBA, cum laude!
November 21, 2006 | 12:00am
![](./main/20061121/images/show1.jpg)
Popular na mag-aaral si Melanie sa IAME at isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga kapwa niya graduates nang tawagin ang kanyang pangalan para tanggapin niya ang kanyang diploma. Ginawaran din siya ng isang plake bilang cum laude at isang medalya for marketing excellence.
Sa huling linya ng kanyang speech, sinabi niya sa kanyang mga co-graduates ang mga katagang "Dont judge me, Im not a book" na binigyan nilang muli ng masigabong palakpakan.
Number 39 si Melanie sa 74 graduates ng BSBA. Dumating para siya suportahan ang lahat niyang mga anak, kasama na si Manuelito na umuwi pa mula Las Vegas, USA para daluhan ang kanyang graduation. Dumating din ang mga kapatid niyang si Joey Marquez at ang basketbolistang si Totoy Marquez. Nakaalis na patungong US ang kanyang asawang si Atty. Adam Lawyer pero susunod sila ng mga anak niya para magbakasyon sa rancho ng asawa. On hand din para suportahan si Melanie ang kanyang kaibigan at namumuno ng Psalmstre, gumagawa ng New Placenta, na si Jim Acosta.
Ang MV Doulos ang pinaka-matandang barko na nakatala sa Guinness Book of Records. Malaking bahagi ng mga libro ay nakasulat sa Ingles pero, may maliit na bahagi na devoted sa Tagalog literature.
Nakatakdang bumisita ang MV Doulos sa apat na ports ng bansa at mananatili dito ng mga tatlong buwan.
Narito ang kanyang eskedyul: Bacolod, Dis. 20-Enero 1; Manila, Enero 5-22; Cebu, Enero 29-Peb. 19 at Batangas, Peb. 23-Marso 5. VERONICA R. SAMIO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended