^

PSN Showbiz

Melanie, nag-graduate ng BSBA, cum laude!

-
Si Melanie Marquez na matagal nang tinutukso dahilan sa kanyang pagi-Ingles at kamakailan ay nagsampa ng demanda sa isang kumpanya na gumagawa rin ng mga produkto na tulad ng ini-endorso niyang New Placenta at ang PRO ng kumpanya na dati niyang malapit na kaibigan, ay nag-graduate kahapon sa kursong BSBA, o Bachelor in Science in Business Administration, cum laude, sa International Academy of Management & Economics. Mahigit 30 taon nang in operation ang nasabing iskwelahan na matatagpuan sa Ayala Ave., Makati City. Nagbibigay din dito ng kursong MBA, at PhD.

Popular na mag-aaral si Melanie sa IAME at isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga kapwa niya graduates nang tawagin ang kanyang pangalan para tanggapin niya ang kanyang diploma. Ginawaran din siya ng isang plake bilang cum laude at isang medalya for marketing excellence.

Sa huling linya ng kanyang speech, sinabi niya sa kanyang mga co-graduates ang mga katagang "Don’t judge me, I’m not a book" na binigyan nilang muli ng masigabong palakpakan.

Number 39 si Melanie sa 74 graduates ng BSBA. Dumating para siya suportahan ang lahat niyang mga anak, kasama na si Manuelito na umuwi pa mula Las Vegas, USA para daluhan ang kanyang graduation. Dumating din ang mga kapatid niyang si Joey Marquez at ang basketbolistang si Totoy Marquez. Nakaalis na patungong US ang kanyang asawang si Atty. Adam Lawyer pero susunod sila ng mga anak niya para magbakasyon sa rancho ng asawa. On hand din para suportahan si Melanie ang kanyang kaibigan at namumuno ng Psalmstre, gumagawa ng New Placenta, na si Jim Acosta.
* * *
Babalik ng ‘Pinas ang barkong MV Doulos, ang pinaka-malaking floating book fair. Meron nang paghahandang ginagawa para sa pagdaong nito sa Bacolod sa Dis. 19. Naglalaman ang barko ng kalahating milyong libro na may 6,000 titles at ipagbibiling lahat ito.

Ang MV Doulos ang pinaka-matandang barko na nakatala sa Guinness Book of Records. Malaking bahagi ng mga libro ay nakasulat sa Ingles pero, may maliit na bahagi na devoted sa Tagalog literature.

Nakatakdang bumisita ang MV Doulos sa apat na ports ng bansa at mananatili dito ng mga tatlong buwan.

Narito ang kanyang eskedyul: Bacolod, Dis. 20-Enero 1; Manila, Enero 5-22; Cebu, Enero 29-Peb. 19 at Batangas, Peb. 23-Marso 5. – VERONICA R. SAMIO

ACADEMY OF MANAGEMENT

ADAM LAWYER

AYALA AVE

DOULOS

ENERO

KANYANG

MELANIE

NEW PLACENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with