^

PSN Showbiz

Showbiz killings

-
"Bakla, pinatay ng lover." Lumang headline na at paulit-ulit nang nagamit sa mga dyaryo. Sa showbiz lamang, ilan na nga ba ang nangyaring "gay showbiz killings" pero walang nangyayari? Hindi lang masasabing mabagal ang usad ng hustisya, pero parang pagkatapos ay hindi na napapansin.

Sa pinatay na executive producer ng isang show sa ABS-CBN walang nakitang signs of struggle o panlalaban sa kanyang tahanan. Wala ring bakas na pwersahang pumasok ang sinuman. Ibig sabihin, ang kanyang killer ay kasama niyang pumasok, o kusa niyang pinapasok sa kanyang bahay. More or less, kilala niya ang kanyang killer.

Pero ilan na nga ba yan? May nangyari pa ba sa pagkakapaslang sa musician na si Tadao Hayashi matapos na sabihing ang suspetsa nila ay lover noon ang pumatay sa kanya?

May nangyari pa ba sa kaso ng writer na si Eli Formaran na pinagsasaksak at tinangka pang sunugin ng kanyang killer? Ano na ang kinahinatnan ng pagkakapaslang sa show host na si Kuya Ompang na tinadtad din ng mahigit na 40 saksak sa loob mismo ng kanyang bahay?

Na-solve pa ba kung sino ang pumatay sa dating movie magazine publisher na si Rene Tiosejo, o kung sino ang bumaril sa talent manager na si Rey dela Cruz, sa mga krimeng nangyari pa noong dekada 80?

Dito sa atin, mukhang hinahayaan na lang kung mapatay man ang mga bading. Marami na ang ganyang kaso sa showbusiness, pero lahat ay wala pang solusyon.

Kunsabagay, hanggang ngayon nga may nangyari na ba sa kaso ni Nida Blanca, na matapos pagbintangan ang asawa, pati ang alalay ay pilit na pinaaming may kinalaman sa pagkakapaslang sa kanya?
* * *
Hindi lang isang version kung di dalawang MTV agad ang ginawa ng singer na si Aryana para mai-promote ang kanyang self titled album. Aba, matindi naman kasi ang album niyang yon. Una dahil matapos niyang makagawa ng isang hit na hip-hop album, ngayon ay talagang nagpalit siya ng style at ballads naman ang ginawa niya.

Isa pa, kaya siya excited sa kanyang album ay dahil pati nga ang mga foreign singers na nakarinig sa kanyang mga kanta ay naging interesado roon. Bukod diyan, alam ba ninyong may offer na mag-recording sa abroad si Aryana? — Ed De Leon

vuukle comment

ANO

ARYANA

ED DE LEON

ELI FORMARAN

KANYANG

KUYA OMPANG

NIDA BLANCA

RENE TIOSEJO

TADAO HAYASHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with