Gretchen, nag-iinarte sa commercial shoot nila nina Ruffa, Dawn at Angel
November 16, 2006 | 12:00am
Gaano katotoo na irritable ang mga staff ng isang advertising agency na may hawak ng commercial ng comebacking actress na si Gretchen Barretto? Naitsika sa amin ng staff ng ad agency na nairita raw yung ibang kasamahan nila habang sinu-shoot ang TV commercial ng isang shampoo which stars, Greta, Ruffa Gutierrez, Dawn Zulueta at Angel Aquino dahil over daw sa pagka-primadonna ng first lady ni ABC CEO, Tony Boy Cojuangco.
"Gusto ba naman, siya parati ang inuuna sa make-up at dapat nakatutok sa kanya ang make-up artist, e, paano na yung tatlo?
"Feel na feel talaga niya ang pagka-comeback niya as in," kuwento sa amin.
Dedma naman daw sina Ruffa, Dawn at Angel dahil knows na pala nila ang ugali ni Gretchen na talagang kailangang siya ang bida. Na-curious tuloy kaming alamin kung sino ba sa apat na naggagandahang aktres ang pinakamataas ang talent fee? "Ay, siyempre confidential yun, sasabihin ko na lang kung sino ang pinakamababa?" pabirong sagot sa amin.
Sideline na lang pala ni Victor Neri ang showbiz dahil may day job siya for more than a year na. Kaya pala everytime na nakikita namin siya ay parati siyang naka-office attire, malayung-malayo sa dating Victor Neri na naka-maong na butas-butas at t-shirt lang, minsan naka-polo pero naka-maong pa rin.
Sa ginanap na press launch ng horror movie na Ang Pamana: The Inheritance under a Canadian company, The Digital Sweatshop ay naka-office boy look ang aktor dahil nanggaling pa raw siya sa office nila sa Makati.
"Nagpaalam lang ako sa office for this presscon, after this I have to go back. Its a 9am to 5pm work," esplika ni Victor bilang si Ronnie sa pelikula.
Isang consultant si Victor sa Howroyd and Benjamin Consultancy Firm na dinala ng pamilya niya rito sa Pilipinas.
"Im a wealth adviser, kami ang nagbibigay ng advise sa mga taong hindi nila alam kung saan nila i-invest ang kanilang sobrang pera at kung tama ba yung mga investments nila, actually mas kilala sa tawag na financial adviser."
Sa Amerika raw nagsimula ang ganitong sistema at dinala lang ng mga kaanak at kaibigan ni Victor dito sa Pilipinas dahil may mga kababayan daw tayong hindi alam kung paano i-handle ng tama ang kanilang finances.
Kaya ang pagiging working boy ni Victor ang isa sa dahilan kung bakit medyo limitado rin siyang gumawa ng pelikula at programa.
At take note, ang cut-off time ng aktor sa lahat ng shootings at tapings niya ay, "Eleven in the evening, ke tapos o hindi ang trabaho ko, I have to go home because I have to wake-up early the following day.
"Kaya nga inis na inis ako sa mga artistang late dumating sa set kasi hindi nila naiisip yung ibang mga kasama nilang maagang dumating para maaga ring matapos," pangangatwiran ng aktor.
At dahil sa ibang bansa lumaki ang buong staff ng Digital Sweatshop headed by their director Romeo Candido ay on time parati sa set ang mga artista at staff, bagay na gustung-gusto ni Victor dahil maaga raw silang natatapos sa shooting. Reggee Bonoan
"Gusto ba naman, siya parati ang inuuna sa make-up at dapat nakatutok sa kanya ang make-up artist, e, paano na yung tatlo?
"Feel na feel talaga niya ang pagka-comeback niya as in," kuwento sa amin.
Dedma naman daw sina Ruffa, Dawn at Angel dahil knows na pala nila ang ugali ni Gretchen na talagang kailangang siya ang bida. Na-curious tuloy kaming alamin kung sino ba sa apat na naggagandahang aktres ang pinakamataas ang talent fee? "Ay, siyempre confidential yun, sasabihin ko na lang kung sino ang pinakamababa?" pabirong sagot sa amin.
Sa ginanap na press launch ng horror movie na Ang Pamana: The Inheritance under a Canadian company, The Digital Sweatshop ay naka-office boy look ang aktor dahil nanggaling pa raw siya sa office nila sa Makati.
"Nagpaalam lang ako sa office for this presscon, after this I have to go back. Its a 9am to 5pm work," esplika ni Victor bilang si Ronnie sa pelikula.
Isang consultant si Victor sa Howroyd and Benjamin Consultancy Firm na dinala ng pamilya niya rito sa Pilipinas.
"Im a wealth adviser, kami ang nagbibigay ng advise sa mga taong hindi nila alam kung saan nila i-invest ang kanilang sobrang pera at kung tama ba yung mga investments nila, actually mas kilala sa tawag na financial adviser."
Sa Amerika raw nagsimula ang ganitong sistema at dinala lang ng mga kaanak at kaibigan ni Victor dito sa Pilipinas dahil may mga kababayan daw tayong hindi alam kung paano i-handle ng tama ang kanilang finances.
Kaya ang pagiging working boy ni Victor ang isa sa dahilan kung bakit medyo limitado rin siyang gumawa ng pelikula at programa.
At take note, ang cut-off time ng aktor sa lahat ng shootings at tapings niya ay, "Eleven in the evening, ke tapos o hindi ang trabaho ko, I have to go home because I have to wake-up early the following day.
"Kaya nga inis na inis ako sa mga artistang late dumating sa set kasi hindi nila naiisip yung ibang mga kasama nilang maagang dumating para maaga ring matapos," pangangatwiran ng aktor.
At dahil sa ibang bansa lumaki ang buong staff ng Digital Sweatshop headed by their director Romeo Candido ay on time parati sa set ang mga artista at staff, bagay na gustung-gusto ni Victor dahil maaga raw silang natatapos sa shooting. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended