Iisa lamang ang talagang nanalo sa World Championship of the Performing Arts, ang Cercado Sisters, lahat ay nakapasa lamang sa elim round!
November 14, 2006 | 12:00am
Mula sa isang sumali rin at nanalo sa ginanap na World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood kamakailan lamang, napag-alamam ko, na bagaman at lahat ay nakapag-uwi ng medalya hindi lahat ay nakapag-participate sa ikalawang bahagi ng paligsahan, ang grand finals. Nagtanong kasi ako kung wala ba ni isa mang Pinoy na natalo sa nasabing paligsahan? Sabi ko, tila lahat ay nakapag-uwi ng mga medalya at bagaman at bilib ako sa talino ng aking mga kababayan, tila sobra naman ang swerte nila at wala ni isa mang umuwing talunan.
Meron daw kasing dalawang segment ang WCOPA, ang elimination round at ang grand finals na kung saan para makasali ang isang contestant, kailangan meron siya ng nire-require na certain percentage na mula sa kanyang score sa elimination round.
Sa mga sumali, iisa lamang ang nakapasok sa tinatawag nating grand finals, ang Cercado Sisters na nanalo sa sinalihan nilang dibisyon, ang Junior Group Division. Ang Cercado Sisters ay isa sa mga nanalo sa isang pakontes din na isinagawa ng QTV 11 na pinamagatang Fam Jam hosted by the father and daughter team of Francis and Maxene Magalona.
Last year, sa nasabi ring pakontes, tanging si Jed Madela lamang ang nakapasok sa grand finals. Katunayan ay inilagak na siya sa WCOPA Hall of Fame bilang kauna-unahang Filipino Asian na nanalo sa WCOPA. Taun-taon ay performer na siya sa nasabing paligsahan at tatayo bilang isa sa mga judges.
Sa mga sumaling Pinoy, ang umabot lamang ang score sa kinakailangan para makasali sa finals ay si Jaramie Marquez, na naka-based sa Hongkong.
Hindi rin naman matatawag na talunan ang mga Pinoy na ipinadala natin sa WCOPA dahil nagpakitang gilas sila at nabigyan ng hindi iisa kundi maraming medalya pero ito ay sa elimination round lamang at hindi sa grand finals.
Kakatuwa naman ang grupong Sexbomb na nakilala sa kanilang pagsasayaw. Marami sa kanila ang nagsabing hindi na sila nakapagsasayaw at sa halip ay nagku-concentrate na sa ibang bagay. Tulad ni Jopay Paguia na sa pagkanta na ibinubuhos ang kanyang panahon at si Rochelle Pangilinan naman ay sa pag-arte.
Hindi mo naman sila masisi dahil, katulad ngayon, may lumabas silang isang CD na nagtatampok ng isang kumpletong pakete ng mga awit at video mula sa kanilang matagumpay na TV series, ang Daisy Siete.
Pinamagatang "Daisy Siete: V-Day", taglay nito ang lahat ng MTV at awitin mula sa 13 season ng serye tulad ng "Pangarap", "Kaibigan", "Tahanan", "Magtatagpo rin", "Sayaw ng Puso", "Nasaan Ka", "Landas" at ang theme ng kanilang current season, ang "Moshi Moshi Chikiyaki".
Dalawang disc ang taglay ng "V-Day," ang isa ay naglalaman ng lahat ng theme songs ng Daisy Siete at ang ikalawa naman ay ang music video ng mga ito. May bonus song na "Hombre".
Ang "Daisy Siete: V-Day" ay mula sa Panacea Music at eksklusibong ipinamamahagi ng Sony BMG Music entertainment.
Isang kilalang hairstylist si Pin Antonio, tinaguriang High Priestess of Cut & Color at Hairstylist to the Stars. Pero magkakaron ito ng isang photo exhibit called Hair Pin sa Nob. 17 sa M-Cafe, Greenbelt 3 Ayala Center, Makati.
Modelo ni Pin Antonio ang mga loyal clients niya sa Salon de Manila na sina Danita Paner, Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Amy Perez, Bing Loyzaga, Ariel Rivera, Tessa Prieto, Claudine Barretto, Raymart Santiago, Rica Peralejo at Eula Valdez.
Tinulungan sa photo exhibit si Pin ng mga potograpong sina Patrick Dy, Sarah Black, Francis Abraham at Raymund Isaac.
Ang kikitain sa Hair Pin ay para sa Operation Blessing Foundation Philipines.
Mayroong SMS trivia promo ang Atlantika. Tatagal ito hanggang Dis. 11. P10,000 cash ang ipamimigay nila daily at P25,000 bilang grand prize sa Dis. 11. Alamin ang mechanics para sumali. VERONICA R. SAMIO
Meron daw kasing dalawang segment ang WCOPA, ang elimination round at ang grand finals na kung saan para makasali ang isang contestant, kailangan meron siya ng nire-require na certain percentage na mula sa kanyang score sa elimination round.
Sa mga sumali, iisa lamang ang nakapasok sa tinatawag nating grand finals, ang Cercado Sisters na nanalo sa sinalihan nilang dibisyon, ang Junior Group Division. Ang Cercado Sisters ay isa sa mga nanalo sa isang pakontes din na isinagawa ng QTV 11 na pinamagatang Fam Jam hosted by the father and daughter team of Francis and Maxene Magalona.
Last year, sa nasabi ring pakontes, tanging si Jed Madela lamang ang nakapasok sa grand finals. Katunayan ay inilagak na siya sa WCOPA Hall of Fame bilang kauna-unahang Filipino Asian na nanalo sa WCOPA. Taun-taon ay performer na siya sa nasabing paligsahan at tatayo bilang isa sa mga judges.
Sa mga sumaling Pinoy, ang umabot lamang ang score sa kinakailangan para makasali sa finals ay si Jaramie Marquez, na naka-based sa Hongkong.
Hindi rin naman matatawag na talunan ang mga Pinoy na ipinadala natin sa WCOPA dahil nagpakitang gilas sila at nabigyan ng hindi iisa kundi maraming medalya pero ito ay sa elimination round lamang at hindi sa grand finals.
Hindi mo naman sila masisi dahil, katulad ngayon, may lumabas silang isang CD na nagtatampok ng isang kumpletong pakete ng mga awit at video mula sa kanilang matagumpay na TV series, ang Daisy Siete.
Pinamagatang "Daisy Siete: V-Day", taglay nito ang lahat ng MTV at awitin mula sa 13 season ng serye tulad ng "Pangarap", "Kaibigan", "Tahanan", "Magtatagpo rin", "Sayaw ng Puso", "Nasaan Ka", "Landas" at ang theme ng kanilang current season, ang "Moshi Moshi Chikiyaki".
Dalawang disc ang taglay ng "V-Day," ang isa ay naglalaman ng lahat ng theme songs ng Daisy Siete at ang ikalawa naman ay ang music video ng mga ito. May bonus song na "Hombre".
Ang "Daisy Siete: V-Day" ay mula sa Panacea Music at eksklusibong ipinamamahagi ng Sony BMG Music entertainment.
Modelo ni Pin Antonio ang mga loyal clients niya sa Salon de Manila na sina Danita Paner, Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Amy Perez, Bing Loyzaga, Ariel Rivera, Tessa Prieto, Claudine Barretto, Raymart Santiago, Rica Peralejo at Eula Valdez.
Tinulungan sa photo exhibit si Pin ng mga potograpong sina Patrick Dy, Sarah Black, Francis Abraham at Raymund Isaac.
Ang kikitain sa Hair Pin ay para sa Operation Blessing Foundation Philipines.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am