^

PSN Showbiz

Maricel, magaling na yaya

RATED A - Aster Amoyo -
Tiyak na marami ang matutuwa na may bagong movie si Maricel Soriano, ang Inang Yaya. Siya rin ang co-producer ng pelikula kasama ang kanyang manager na si Wyngard Tracy at Tony Gloria ng Unitel Pictures.

Kung hindi pa namin alam na isang digital film ang Inang Yaya ay walang mag-aakala na hindi ito regular-produced movie dahil napakaganda ng pagkakagawa considering na parehong baguhan ang co-directors ng pelikula na sina Pablo Biglang-Awa, Jr. at Veronica Velasco na siya ring nagsulat nito.

As always, napakagaling ni Maria na siyang gumanap sa papel ni Norma, ang Inang Yaya ganundin ang dalawang mga baguhang batang aktres na sina Tala Santos na siyang gumanap sa papel na Ruby, ang anak ni Norma at si Erika Oreta sa papel na Louise at iba pang kasama sa pelikula.

Parehong promising ang dalawang director ng Inang Yaya. Si Pablo ay isang multi-awarded painter, shortfilmmaker at commercial director habang si Veronica naman na isang Broadcast Communication graduate sa University of the Philippines ay nanalo ng grand prize sa kauna-unahang FAP Screenwriting Contest sa kanyang screenplay na pinamagatang Boy na naka-2nd place naman sa Carlos Palanca Awards.

Ang Inang Yaya ay isang fitting tribute sa mga yaya na nagsasakripisyo at tumatayong pangalawang magulang sa mga batang kanilang inaalagaan kahit hindi nila ito kaanu-ano.
* * *
Kung dati-rati’y mataba at may baby fats pa si Angelica Panganiban, ngayong 20 na siya ay conscious na sa kanyang katawan.

Marami ang ginulat ng batang aktres sa kanyang ginawang pagpapa-seksi sa isang men’s magazine na naging daan para kunin siyang modelo ng Ginebra San Miguel sa kanilang 2007 Calendar. Kung noon ay nahihiya siya sa kanyang katabaan, ngayon naman ay taas noo niyang ipinagmamalaki ang kanyang napakagandang katawan.

Samantala, abala si Angelica ngayon sa dalawang magkahiwalay na pelikula ng Canary Films, ang Pitong Dalagita na dinirek ni Crisaldo Pablo at ipapalabas na ngayong November 29 at ang MMFF entry na Matakot Ka Sa Karma, isang trilogy horror movie.
* * *
Walong taon din ang binilang bago muling nakabalik ng Pilipinas ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres na naging posible dahil sa mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez dahil siya ang kinuhang image model ng kanilang Beverly Hills 6750 Aesthetics Center na matatagpuan sa 6750 Ayala Avenue, Makati City.

Tuwang-tuwa ang ex-girlfriend ni Aga Muhlach sa kanyang pagbabalik-Pilipinas na napamahal na sa kanya dahil namalagi siya rito sa loob ng limang taon at marami siyang naging kaibigan.

Ang ABS-CBN ang nagbukas kay Yari (palayaw ni Dayanara) ng opportunity sa showbiz sa pamamagitan ng paghu-host at pagsasayaw sa ASAP at paghu-host ng isang dance program sa ABC-5, ang Eezy Dancing.

Sa kanyang limang taon sa Pilipinas ay nakagawa siya ng tatlong pelikula, ang Basta’t Kasama Kita opposite Aga Muhlach, ang Hataw Na with Gary Valenciano at isa pang movie kasama si Cesar Montano.

Ayon kay Yari, kinonsider umano niyang second home ang Pilipinas. Bukod sa marami siyang naging kaibigan dito, gustung-gusto rin niya ang Filipino food na siya niyang na-miss nang umalis siya nung 1998.

Nang tanungin namin si Yari kung interesado ba siyang makatrabahong muli ang dati niyang kasintahan na si Aga ay wala umano itong problema sa kanya pero depende pa rin daw sa project.

Sa Los Angeles, California na ngayon naka-base si Yari, kasama ang kanyang dalawang anak dahil dito niya ipinagpatuloy ang kanyang acting career.

Samantala, napag-alaman namin sa mister ni Jessica na si David na bago si Yari ay may apat na Hollywood personalities ang kanilang kinonsider at kasama na rito sina Daryll Hannah at Christine Davis pero nang may nag-suggest ng pangalan ni Yari ay hindi na umano sila nag-dalawang-isip pa dahil perfect choice si Yari para sa kanilang state-of-the-art Aesthetics Center.
* * *
Isang episode ang matutunghayan bukas ng gabi sa Bahay Mo Ba ‘To na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Francine Prieto, Sunshine Dizon, Tiya Pusit at sa direksiyon ni Al Quinn.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AESTHETICS CENTER

AGA MUHLACH

CENTER

INANG YAYA

ISANG

KANYANG

PILIPINAS

SIYA

YARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with