^

PSN Showbiz

Isa pang Masculado ang nagsosolo na!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kahit aktibo pa si Chard Sevilla bilang myembro ng Masculados, unti-unti naman niyang inaasikaso ang kanyang solo singing career. Kamakailan lang, napanood namin siya bilang opening act sa concert ni Jayson Sia sa Arkdia.

Naka-apat na taon na pala siya sa showbiz bilang isang professional singer. Kahit kasi noong hindi pa siya kasali sa Masculados, palagi na siyang nasa supporting cast ng mga live concerts ng mga sikat na singers.

Pinalad naman siyang mapasali sa Masculados noong mag-audition siya kay Direktor Maryo J. delos Reyes. Sa grupo, nakapaglakbay na si Chard sa buong Pilipinas at maging sa Japan.

Naranasan niya ang kumanta sa mga pinakamalalaking venue, kung minsan kasabayan pa ang mga kilalang recording stars.

Bilang pagdiriwang ng kanyang 4th anniversary sa showbiz, itatampok si Richard sa kanyang solo live concert sa Makuhari Bar na matatagpuan sa Leon Guinto, Malate, sa Nobyembre 27, 10NG. Special guests sina Maoui David at Star In A Million finalist Jayson Sia. Nandun din ang H2) Band na siyang tutugtog bilang back-up musicians at maghahandog din ng kanilang numbers.

Dahil kay Direktor Maryo J. ay nakalabas na rin si Chard sa mga pelikula at TV drama series.
* * *
Para sa mga taga-Angeles Pampanga at mga karatig bayan, abangan ninyo ang "Mark Herras Dance Party" album mall tour sa SM Clark, today (Sunday, November 12), 5NH. Mapapanood ninyong sumayaw ng live si Mark. Ang unang "Mark Herras Dance Hits" album ay certified double platinum. Susunod ang autograph signing session pagkatapos ng libreng palabas.

ANGELES PAMPANGA

CHARD SEVILLA

DIREKTOR MARYO J

JAYSON SIA

KAHIT

LEON GUINTO

MAKUHARI BAR

MAOUI DAVID

MASCULADOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with