^

PSN Showbiz

LJ, gustong dalhin ni Alfred sa Spain!

- Veronica R. Samio -
Marami ang hindi nakakaalam na mahilig bumiyahe si Alfred Vargas nang nag-iisa. Nakapaglibot siya sa pitong cities sa US na bitbit lamang ang kanyang backpak. Isang buwan ding inabot ang kanyang biyahe. Ngayong girlfriend na niya si LJ Reyes ay nag-iisip na naman siyang mag-travel at gusto niyang isama ito, ang destinasyon nila ay Spain.

Ito naman ay kung mabigyan silang dalawa ng libreng panahon dahil at the moment ay pareho silang abala sa kanilang mga career.

May ipalalabas na movie si Alfred sa buwang ito, ang launching movie ni Katrina Halili sa Regal Films na pinamagatang Gigil.
* * *
Marami ang nag-aabang sa kahihinatnan ng labanan sa Best Actress Lino Award sa ginaganap na Cinemanila Digital Lokal na mapapanood sa Greenbelt at SM Digital Cinemas hanggang Nob. 15.

Nangunguna si Maricel Soriano sa sinasabing 4-corner fight para sa pelikulang Numbalikdiwa. Kalaban niya sina Sarsi Emmanuel na nagbabalik sa pelikula sa expressionistic drama na Raket ni Nanay, Alessandra de Rossi para sa horror dramang Anino at ang non-professional actress na si Jonalyn Ablong, pinakabata rin na ginagampanan ang kanyang sarili bilang isang kabataang Aeta sa Manoro.

Ang Cinemanila ay isang joint initiative ng Film Development Council of the Phils. Independent Cinema Assoc. of the Phils. at ng National Commission for Culture & Arts.
* * *
Mas kapana-panabik na ang mga episodes ng Atlantika, GMA7, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, lalo na ngayong walang alaala si Aquano (Dingdong Dantes) kung sino siya at kung saan siya galing. Pero may kumupkop sa kanya, si Helena (Katrina Halili) at tinatawag siya nitong Daniel.

Samantala, sa Atlantika ay may namumuo nang pagtitinginan kina Prinsesa Amaya at Eno na pinagseselosan ng labis ni Xera.

Maglalakbay naman si Piranus patungong lupa dala ang isang respura (isang tracking device na umiilaw kapag nalalapit sa isang maharlika). Nahulog din ang ganitong dala ni Kiko sa may dalampasigan na kung saan ay nawala rin ni Aquano ang sa kanya. Sa pagkikita-kita nina Helena, Cielo at Alona sa dalampasigan, iilaw ang korniyas. Sino sa tatlong ito ang tunay na Amaya?
* * *
Dapat lang talagang tutukan ng Imbestigador ni Mike Enriquez ang Authority Trading Corporation na nagbebenta ng asukal na may upos ng sigarilyo, dumi ng pusa, pira-pirasong plastic at mga insekto (Ughhhh!!!).

Pinasok ng Imbestigador ang bodega nito at nakita nilang sa sahig lamang hinahalo ang maruming asukal ng mga trabahador na nakayapak lamang at walang damit. Meron ding nagkakarpintero sa tabi ng haluan at ang dumi niya ay tumutuloy sa ginagawang asukal.

Ipinasuri ang nagawang asukal ng Imbestigador sa isang laboratoryo at lumabas na napakataas ng e-coli at coliform content nito na maaring magdulot ng sakit o kaya’y maging sanhi ng meningitis sa sinumang gagamit nito.

Tumutok din kayo ngayong Sabado, 9:30 NG para malaman kung tuloy pa rin ang pagbibenta ng Authority Trading Corp. ng asukal at baka isa na kayo sa nakabili nito.
* * *
Bakit ba ang bilis-bilis kung makapaningil ang PLDT sa mga subscriber nila gaya ko pero, kapag naman may sira ang telepono o ang linya nito ay napaka-hirap nilang tawagan, dahil yung mga ibinibigay nilang numero ay palaging busy? Ilang araw nang di nagagamit ang PLDT ko pero sigurado ako na kumpletong araw pa rin ang sisingilin nila sa akin at sa marami pa nilang subscribers na may ganito ring problema. UNFAIR, di ba?
* * *
[email protected]

ALFRED VARGAS

ANG CINEMANILA

AQUANO

ATLANTIKA

AUTHORITY TRADING CORP

CENTER

IMBESTIGADOR

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with