^

PSN Showbiz

Pasiklaban ang mga anak ng artista sa US!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Matagumpay ang US tour namin ni John Nite para sa GMA Pinoy TV. Nakakatuwang malaman na marami na tayong kababayang Kapuso sa Amerika na nagsa-subscribe sa GMA Pinoy TV. Nagugulat nga sila na makita ako sa US at the same time ay nagpapasalamat sila sa pagdalaw natin sa kanila. Kahit saang sulok at mall sa US, wala silang isinisigaw kundi "Walang Tulugan!"

Ang Aldeguer Sisters ang nag-produce ng show namin sa LA, sa Celebrity  Center na umabot ng apat na oras at talagang sold out ang show.

Nagulat din ako dahil sinorpresa ako ng mga kilala nating artists na hanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin ang minsang pagtulong ko sa kanila noon tulad nila Becca Godinez, Bernardo Bernardo, Louie Reyes, Anthony Castelo at Fe delos Reyes. Bukod sa mahusay nilang pagtatanghal ay nagpakitang gilas din ang kani-kanilang anak na baka sakali nga namang ma-discover ko rin ang mga talent ng kanilang mga tsikiting. Nakakatuwang may unity ang mga artistang ito sa labas ng bansa.

Nagkita rin kami ni Billy Crawford sa LA na ngayon ay naghahanda na ng kanyang bagong album. May kasama si Billy na isang cute at magandang choreographer, tinanong ko kung gf ba niya ito, ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

Sana raw ay magkaroon siya ng chance na makauwi sa bansa ngayong December para dito siya mag-Pasko.

Habang nasa US ay nag-survey ako ng mga paboritong palabas sa GMA Pinoy TV ng mga kababayan natin dun at isinulat ko pa para hindi ko ito makalimutan. Nangunguna sa listahan ang Eat Bulaga, Captain Barbell, Atlantika, Bakekang at siyempre ang Walang Tulugan with the MasterShowman. Sinusubaybay din nila ang iba pang shows ng Kapuso network.

Successful din ang show ni Gary Valenciano sa San Francisco kasama si Kyla. Pagkatapos ay naki-join na rin si Kyla sa aming show na lalong ikinatuwa ng mga kababayan natin sa Amerika.

Salamat po sa lahat ng sponsors at sa lahat ng mga tumulong sa aming biyahe at shows sa US.
* * *
Nakakalungkot ang nangyari sa EP ng Pinoy Dream Academy ng Dos na si Joselito Siervo. Kaya dapat doble ang pag-iingat nating lahat.

Nakapanghihinayang dahil kilalang masipag at mabuting tao ito, tapos ganyan pa ang nangyari.

In behalf po ng Kapuso network, taos puso po ang aming pakikiramay sa ABS-CBN at sa pamilya ni Siervo.
* * *
Isa ako sa natuwa sa pagbabalik pelikula ni Gretchen  Barretto na kahit sa isang episode lang siya naka-assigned sa Octo Arts Films ay may movie pa rin. Siyempre bago ang lahat, kinausap muna niya ng masinsinan si Tony Boy na gusto niya muling gumawa ng movie at pinayagan naman siya nito.
* * *
Pati ako nadawit sa intriga ni DJ Mo Twister at ang huli nga ay yung tungkol sa sinabi ni KC Montero. Although nakahingi na ng paumanhin si KC sa nangyari.

Kung bakit ba naman kasi iniipit ni DJ Mo ang kanyang mga bisita nito at  inalalagay sa alanganin para lang maging kontrobersyal ang kanyang show. Ano ba ang gustong mangyari ni DJ Mo, magkaroon ng maraming kagalit?

Simple lang naman ang kalakaran sa showbiz, magbigay ng respeto sa kapwa artista! lang siya naka-assigned sa Octo Arts Films ay may movie pa rin. Siyempre bago ang lahat, kinausap muna niya ng masinsinan si Tony Boy na gusto niya muling gumawa ng movie at pinayagan naman siya nito.
* * *
Pati ako nadawit sa intriga ni DJ Mo Twister at ang huli nga ay yung tungkol sa sinabi ni KC Montero. Although nakahingi na ng paumanhin si KC sa nangyari.

Kung bakit ba naman kasi iniipit ni DJ Mo ang kanyang mga  bisita at inalalagay sa alanganin para lang maging kontrobersyal ang kanyang show. Ano ba ang gustong mangyari ni DJ Mo, magkaroon ng maraming kagalit?

Simple lang naman ang kalakaran sa showbiz, magbigay ng respeto sa kapwa artista!

vuukle comment

CENTER

KAPUSO

MO TWISTER

OCTO ARTS FILMS

PINOY

TONY BOY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with