Dayanara, may career pa ba sa Pinas?
November 8, 2006 | 12:00am
Tiyak na kaabang-abang ang pagbabalik sa Pilipinas ng 1993 Miss Universe at dating actress at TV host (at dating kasintahan ni Aga Muhlach) at ex-wife ni Marc Anthony (na mister na ngayon ni Jennifer Lopez) na si Dayanara Torres dahil matagal-tagal na rin itong hindi nakakabalik ng bansa matapos itong umalis may ilang taon na ang nakakaraan.
Naging malaking bahagi kay Yari ang Pilipinas dahil bukod sa Miss Universe na dito ginanap kung saan siya nanalo, naging kasintahaan niya noon si Aga na mister na ngayon ng kanyang kaibigang si Charlene Gonzales. Naging malaking personalidad din sa Pilipinas si Yari dahil nakagawa ito ng ilang pelikula at naging host ng isang dance program sa ABC-5.
Nilisan man noon ni Yari ang Pilipinas upang bumalik sa kanyang hometown sa Puerto Rico, nagtuluy-tuloy ang kanyang pagiging malaking pangalan lalo na nang kanyang mapangasawa si Marc Anthony kung kanino siya may dalawang anak. Pero, nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nina Yari at Marc Anthony.
Nakatakdang dumating sa bansa si Yari ngayong Huwebes (Nov. 9) dahil siya ang image model ng Beverly Hills 6750 Aesthetics Center na pag-aari ng mag-asawang Jessica Rodriguez at David Bunevacz. Bukod sa pictorial, presscon ay magiging abala rin si Yari sa ibat ibang TV guestings para sa promo ng Beverly Hills 6750.
Ang 2nd Annual Cinema One Originals Digital Movie Festival na gaganapin sa Indie Sine theater (Cinema 8) ng Robinsons Galleria mula November 24 hanggang November 26 ay nakatakdang magkakaroon ng awarding ceremonies na gaganapin sa Teatrino ng Greenhills Promenade sa November 26 (Linggo) sa ganap na ika-5 ng hapon na ihu-host nina Piolo Pascual at Bianca Gonzales.
Pitong digital movies ang maglalaban-laban sa Best Picture na mula sa panulat, direksiyon at produksyon ng pitong promising directors ng Philippine movie industry na pinili ng Cinema One Originals mula sa mahigit 200 entries. Ang mga ito ay ang Raket ni Nanay ni Lawrence Fajardo at tinatampukan nina Sarsi Emmanuel at Mark Gil; Seroks ni Ed Lejano at pinagbibidahan ni Juliana Palermo; ang Pandanggo nina Ruelo Lozendo, Wildred Galila at Dennis Empalmado na tinatampukan nina Chin-Chin Gutierrez at Raymond Bagatsing; ang Rekados ni Paolo Herras na pinagbibidahan naman nina Boots Anson Roa, Eula Valdez at Meryll Soriano; ang Metlogs ni Crisaldo Pablo na tinatampukan nina Marky Lopez, Tyron Perez at Paolo Ballesteros; ang Huling Balyan ng Buhi ni Sherad Sanchez na pinagsasamahan naman nina Bembol Roco at Marilyn Roque at ang Romeo and Juliet ni Connie Macatuno na pinagbibidahan naman nina Mylene Dizon, Andrea del Rosario, Rafael Rosell, Mico Palanca at Lui Villaruz kasama sina Glydel Mercado at Tessie Tomas.
Baguhang direktor ng mga indie films ang dating voice talent at head-writer-producer ng GMA-7 na si Crisaldo Pablo, pero nakagawa na ito ng apat na pelikula, ang Duda na tumanggap ng nominasyon sa 2003 New York Asian American International Film Festival, 2003 Verzaubert Queer Film Festival at Barcelona International Film Festival 2003. Siya rin ang sumulat at nagdirek na documentary na Selda Inosente (Innocents in the Cell) na nanalo sa UNICEF Asian Television Awards nung 2002.
Malayo na nga ang narating ng Broadcast Communication graduate ng U.P. nung 1992 na si Cris dahil binigyan siya ng malaking break ng Canary Films na idirek ang kanyang pinakamalaking pelikulang Pitong Dalagita na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Iwa Moto at Jay-R Trinidad.
Suspense-drama ang tema ng Pitong Dalagita na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa Nobyembre 29. ASTER AMOYO
Naging malaking bahagi kay Yari ang Pilipinas dahil bukod sa Miss Universe na dito ginanap kung saan siya nanalo, naging kasintahaan niya noon si Aga na mister na ngayon ng kanyang kaibigang si Charlene Gonzales. Naging malaking personalidad din sa Pilipinas si Yari dahil nakagawa ito ng ilang pelikula at naging host ng isang dance program sa ABC-5.
Nilisan man noon ni Yari ang Pilipinas upang bumalik sa kanyang hometown sa Puerto Rico, nagtuluy-tuloy ang kanyang pagiging malaking pangalan lalo na nang kanyang mapangasawa si Marc Anthony kung kanino siya may dalawang anak. Pero, nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nina Yari at Marc Anthony.
Nakatakdang dumating sa bansa si Yari ngayong Huwebes (Nov. 9) dahil siya ang image model ng Beverly Hills 6750 Aesthetics Center na pag-aari ng mag-asawang Jessica Rodriguez at David Bunevacz. Bukod sa pictorial, presscon ay magiging abala rin si Yari sa ibat ibang TV guestings para sa promo ng Beverly Hills 6750.
Pitong digital movies ang maglalaban-laban sa Best Picture na mula sa panulat, direksiyon at produksyon ng pitong promising directors ng Philippine movie industry na pinili ng Cinema One Originals mula sa mahigit 200 entries. Ang mga ito ay ang Raket ni Nanay ni Lawrence Fajardo at tinatampukan nina Sarsi Emmanuel at Mark Gil; Seroks ni Ed Lejano at pinagbibidahan ni Juliana Palermo; ang Pandanggo nina Ruelo Lozendo, Wildred Galila at Dennis Empalmado na tinatampukan nina Chin-Chin Gutierrez at Raymond Bagatsing; ang Rekados ni Paolo Herras na pinagbibidahan naman nina Boots Anson Roa, Eula Valdez at Meryll Soriano; ang Metlogs ni Crisaldo Pablo na tinatampukan nina Marky Lopez, Tyron Perez at Paolo Ballesteros; ang Huling Balyan ng Buhi ni Sherad Sanchez na pinagsasamahan naman nina Bembol Roco at Marilyn Roque at ang Romeo and Juliet ni Connie Macatuno na pinagbibidahan naman nina Mylene Dizon, Andrea del Rosario, Rafael Rosell, Mico Palanca at Lui Villaruz kasama sina Glydel Mercado at Tessie Tomas.
Malayo na nga ang narating ng Broadcast Communication graduate ng U.P. nung 1992 na si Cris dahil binigyan siya ng malaking break ng Canary Films na idirek ang kanyang pinakamalaking pelikulang Pitong Dalagita na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Iwa Moto at Jay-R Trinidad.
Suspense-drama ang tema ng Pitong Dalagita na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa Nobyembre 29. ASTER AMOYO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended