^

PSN Showbiz

‘Short Time’, umurong sa MMFF ‘06

-
Siyam na pelikula na lang ang maipalalabas sa darating na Metro Manila Film Festival mula sa 10 entries dahil nag-withdraw na ang Short Time ni Orly Ilacad.

Hindi raw matatapos ang pelikula dahil conflicating ang schedule ng mga artistang tampok dito gaya ni Rufa Mae Quinto at iba pa.

Ayon kay Atty. Espiridion Laxa na execom committee member ng MMFF ay pitong entries ang mapapanood simula December 25 at dalawa naman sa January 1.

Inaasahan namang magiging bongga ang film festival sa taong ito dahil puro malalaki at de-kalidad na mga pelikula ang ipalalabas na tinatampukan ng malalaking artista.
Pinalitan Si Dina!
Balik-pelikula si Lorna Tolentino sa Mano Po 5 bilang kapalit ni Dina Bonnevie na di natuloy dahil sa health problem. Siya ang gaganap na nanay ni Angel Locsin. Nagkatrabaho na ang dalawa sa Mano Po 2.

Ano naman ang reaksyon ni LT na siya ang papalit kay Dina?

"Wala namang problema dahil okay naman kami kahit di nagkakausap at di rin nagkikita. Kumare ko siya dahil inaanak niya si Renz. Isa pa, bago inoffer itong movie kay Dina ay ako ang unang kinausap dito pero di nagkasundo sina Mother Lily at Nanay Lolit. Nang magback-out si Dina ay muling nag-usap sina Mother at Nanay Lolit at nagkaayos naman sila, " aniya.

Balik-Joel Lamangan si LT, huli silang nagkasama sa Pusong Mamon.
Blind Item: Masungit Sa Katulong
Apat na palit na ng katulong ang sikat na aktres. Walang makatagal sa kanyang kasungitan. Wala na kasing tulog ang katulong na isinasama ng aktres sa syuting.

Kapag tinawag nito ang maid at nagkamali ng dala ng damit ay sisinghalan ito. Mahilig ito na terno ang hikaw sa kanyang isusuot na damit sa syuting.

Hindi mo sukat akalain na ang magiliw na sikat na aktres ay di maganda ang pag-uugali sa katulong. — EMY ABUAN-BAUTISTA

ANGEL LOCSIN

BALIK

BLIND ITEM

DINA

DINA BONNEVIE

ESPIRIDION LAXA

JOEL LAMANGAN

MANO PO

NANAY LOLIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with