Angelica, na-realized na di lang si Carlo ang lalaki sa mundo!
November 8, 2006 | 12:00am
Talagang wala nang balikan pa ang parehang Angelica Panganiban/Carlo Aquino, tinuldukan na ito ng magandang aktres. "Natauhan na ako, nauntog na ako, palakpakan nga lahat ng myembro ng pamilya ko sa naging desisyon ko. Ive moved on after ma-realize ko na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Pero sa ngayon, nagpapahinga muna ang puso ko," pagkukwento niya sabay amin na meron namang nagpapakilig sa kanya ngayon, isa ring artista at kasamahan niya sa Dos. "Di ko sasabihin kung sino at baka maudlot," dagdag pa niya.
Angelica topbills Canary Films Pitong Dalagita, isang pelikula na nagkaron ng inspirasyon sa isang tunay na kasaysayan. Tungkol sa pitong kabataan na sabay-sabay na naglaslas ng pulso. Nakita na lamang silang nakahandusay sa palaruan ng isang public school. Dito iikot ang kwento na nagtatampok din kina Valerie Concepcion, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Iwa Moto, Jay-R Trinidad at Cristine Reyes.
Bago ang direktor nito na si Crisaldo Pablo, direktor din ng Bilog, Duda at Bathhouse, graduate ng Broadcast Comm sa UP, naging voice over announcer ng mga cartoons at writer sa News & Public Afftairs ng GMA.
Usung-uso talaga ang bossa nova ngayon. Naglabas ng isang album ang Viva Records, ang "Manila Blend"na inawit ng isang Cebuanang nagngangalang Raffi Quijano. Galing ito sa isang musical family. Lahat ng myembro ng pamilya niya, simula sa kanyang ama hanggang sa mga kapatid niya ay kumakantang lahat at nakakatugtog ng musical instruments. Tatlong taon lamang nang magsimulang kumanta si Raffi at hindi na siya tumigil hanggang ngayon.
Ang "Manila Blend" ay nagtataglay ng mga awiting "Everyday", "Got To Let You Know", "Dont Know What To Say", "A Samba Song", "Sa Aking Pag-iisa", "O Lumapit Ka", "Till I Met You", "May Minamahal", "Love Without Time", "Ikaw Lamang" at marami pang iba.
Kung gusto nyong makilala pa si Raffi, may album promo siya ngayong 5NH sa SM Megamall; The Block, SM North Edsa, Nov. 10; Celebrity Bazaar, Gateway Mall, Nov. 11, 4NH. VERONICA R. SAMIO
Angelica topbills Canary Films Pitong Dalagita, isang pelikula na nagkaron ng inspirasyon sa isang tunay na kasaysayan. Tungkol sa pitong kabataan na sabay-sabay na naglaslas ng pulso. Nakita na lamang silang nakahandusay sa palaruan ng isang public school. Dito iikot ang kwento na nagtatampok din kina Valerie Concepcion, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Iwa Moto, Jay-R Trinidad at Cristine Reyes.
Bago ang direktor nito na si Crisaldo Pablo, direktor din ng Bilog, Duda at Bathhouse, graduate ng Broadcast Comm sa UP, naging voice over announcer ng mga cartoons at writer sa News & Public Afftairs ng GMA.
Ang "Manila Blend" ay nagtataglay ng mga awiting "Everyday", "Got To Let You Know", "Dont Know What To Say", "A Samba Song", "Sa Aking Pag-iisa", "O Lumapit Ka", "Till I Met You", "May Minamahal", "Love Without Time", "Ikaw Lamang" at marami pang iba.
Kung gusto nyong makilala pa si Raffi, may album promo siya ngayong 5NH sa SM Megamall; The Block, SM North Edsa, Nov. 10; Celebrity Bazaar, Gateway Mall, Nov. 11, 4NH. VERONICA R. SAMIO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended