^

PSN Showbiz

LT, hindi nanulot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Kay Lorna Tolentino natuloy ang role ni Yolanda Kho, mother ni Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ai Di. Bago maakusahang nanulot ng project kay Dina Bonnevie na unang nag-shooting for the part, tiniyak muna ni LT na ‘di na magagawa ni Dina ang pelikula.

Ayaw ni LT na maulit ang nangyari sa MP 2 na si Dina ang nasa storycon at pictorial pero, sa kanya napunta ang role nito. Actually, kay LT unang in-offer ang role pero, nagkaroon ng konting problema kaya napunta kay Dina. Hindi pa nagkikita ang mag-kumare (inaanak ni Dina si Renz Fernandez) pero, naniniwala si LT na maiintindihan nito ang lahat.

Second MP movie na ito ni LT at bale reunion nila nina Angel at Richard Gutierrez na nakasama rin niya sa MP 2 but that time, ang actor ang kanyang anak. Mabait daw ang dalawa at tiyak siyang walang magiging problema working with them again. Ni-reshoot ni LT ang mga eksenang kinunan na ni direk Joel Lamangan kay Dina Bonnevie.
* * *
Labas na ang November issue ng Star Studio ng ABS-CBN Publishing kung saan, featured si Sunshine Dizon. Pinayagan siya ng GMA-7 na mag-pictorial sa magasin ng karibal na network. Inayos ang schedule nito at nang malibre sa taping ng Bakekang, natuloy ang pictorial.

Hindi pa namin nababasa ang accompanying article ng pictorial dahil sa Internet lang namin ito nakita. Naka-post ito sa forum ni Sunshine na gawa ng avid fan niya. Nabasa namin ang posted message ni Sunshine thanking her fans sa suporta sa teledrama. Matutuwa ito ‘pag nalamang patuloy ito sa pagtaas ng rating at baka ma-extend na naman.

Nakakatawa pala ang tsismis na walang commercial load ang teledrama dahil mahirap daw ibenta. On the contrary, puno ito ng ads and between 11 to 15 ang ads every gap.
* * *


Aswang ang role ni John Prats sa Super Noypi at may prosthetics siya. Pero, di pa siya nakikita na ayos aswang dahil nang bumisita kami sa shooting, ‘di siya pinalabas ni Direk Quark Henares at ni Roselle Monteverde-Teo. Sa cast pictorial, ‘di rin siya pinalagyan ng prosthetics para ‘di ma-preempt ng press ang hitsura niya. Sa trailer ng movie sa December 13 pa mapapanood ang actor na naka-prosthetics.

Kampante si John to be working with GMA-7 stars kaya, okey sa kanya ang ginagawa ni Mother Lily na pagsamahin ang mga taga-Ch. 7 at ABS-CBN. Sa SN, naging kaibigan niya si Mark Herras at looking forward siya sa muli nilang pagsasama in a dance movie na sisimulan sa first quarter ng 2007.

Akala namin, ang dance movie with Mark is the same movie na binanggit ni Heart Evangelista na gagawin niya sa Regal. Sabi nito, okey lang makatrabaho niya si John. Siya ba, okey na muling makasama sa pelikula ang ex-girlfriend?

(Matagal sumagot si John) "Okey lang din sa akin. Hindi ako agad sumagot ‘no? Pinag-isipan ko pa ang isasagot ko," sabi nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DINA

DINA BONNEVIE

DIREK QUARK HENARES

GUA AI DI

HEART EVANGELISTA

JOEL LAMANGAN

JOHN PRATS

LORNA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with