May bagong Flordeluna
November 5, 2006 | 12:00am
Gagawin na sa TV ng ABS CBN ang isang popular radio hit nung 70s. Pinamagatang Maria Flordeluna, napili ang batang si Elise Pineda para gumanap sa title role na tatampukan din nina Vina Morales, Albert Martinez, Eula Valdez, Lisa Lorena at ang mga batang sina Nash Aguas at Kristel Fulgar na nag-audition din for the role pero sa halip ang role ng batang kontrabida ang ibinigay sa kanya. Mga 1,300 na kabataan ang nag-audition.
Si Elise ang gumanap na batang anak nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Till There Was You. Batang Bea Alonzo naman siya sa Maging Sino Ka Man. Napasama na rin siya sa mga episodes ng Maalaala Mo Kaya at naging batang Desiree del Valle sa Bituin.
Inamin ng isa sa dalawang na-expel sa Pinoy Dream Academy na si Kristoffer Abrenica na mahina talaga siya sa kantahan. Hindi naman ang pagkanta ang strong talent niya kundi ang paglikha ng mga awitin sa gitara o kaya ay sa piano. Ngayong nakalabas na siya ng PDA, inaasahan niya na mapapalawak pa niya ang kaalaman sa musika at kung meron darating na offer para umarte, okay lang sa kanya, pag-aaralan niya ng mabuti.
Malaki ang crush ni Kristoff kay Iya Villania kahit pa marami ang nagsasabi sa kanya na may bf na ito. "Crush lang naman, eh, di naman ako manliligaw," pagliliwanag ng Canadian-Filipino na ang kapatid ang tumatayong manager niya at siyang nagpipilit sa kanya na mag-audition at sumali sa mga singing contest.
"Kaya nga when I saw her on the night that I was to leave PDA, nagkaron na ako ng idea na mae-expel ako," ani Kristoff na siyang pinaka-masayang PDA scholar na na-expel, only because, mas maaasikaso na niya ang pagkanta niya ngayon.
Tanggap na naman ni Gianna Marie "Iya" Ginez na ayaw siya ng mga co-scholar niya kaya siya na-vote out nila. Pakiramdam niya mas maganda kesa sa naiwang si Michelle ang naging performance niya pero, hindi pa rin nila siya pinili. Masama man ang loob, tinanggap niya ang naging kapalaran niya.
Maagang naging independent si Iya sa buhay. Kinse-anyos siya nang mag-decide siyang sumama sa isang banda. Iniwan niya ang pag-aaral niya sa Dagupan at sumama siya sa banda na pumunta ng Maynila. Kahit nag-iisa sa Maynila, naging responsable naman siya. Dati siyang SK Chairman at inaasahang susunod sa yapak ng kanyang ama na isang public servant. Sinundan siya ng kanyang ama sa lugar na kinakantahan ng banda niya at pinapili siya kung gusto niyang mag-aral o magtrabaho, pinili niya ang huli. Naka-dalawang banda siya bago siya sumali at nakapasa sa audition ng PDA.
[email protected]
Si Elise ang gumanap na batang anak nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Till There Was You. Batang Bea Alonzo naman siya sa Maging Sino Ka Man. Napasama na rin siya sa mga episodes ng Maalaala Mo Kaya at naging batang Desiree del Valle sa Bituin.
Malaki ang crush ni Kristoff kay Iya Villania kahit pa marami ang nagsasabi sa kanya na may bf na ito. "Crush lang naman, eh, di naman ako manliligaw," pagliliwanag ng Canadian-Filipino na ang kapatid ang tumatayong manager niya at siyang nagpipilit sa kanya na mag-audition at sumali sa mga singing contest.
"Kaya nga when I saw her on the night that I was to leave PDA, nagkaron na ako ng idea na mae-expel ako," ani Kristoff na siyang pinaka-masayang PDA scholar na na-expel, only because, mas maaasikaso na niya ang pagkanta niya ngayon.
Maagang naging independent si Iya sa buhay. Kinse-anyos siya nang mag-decide siyang sumama sa isang banda. Iniwan niya ang pag-aaral niya sa Dagupan at sumama siya sa banda na pumunta ng Maynila. Kahit nag-iisa sa Maynila, naging responsable naman siya. Dati siyang SK Chairman at inaasahang susunod sa yapak ng kanyang ama na isang public servant. Sinundan siya ng kanyang ama sa lugar na kinakantahan ng banda niya at pinapili siya kung gusto niyang mag-aral o magtrabaho, pinili niya ang huli. Naka-dalawang banda siya bago siya sumali at nakapasa sa audition ng PDA.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended