^

PSN Showbiz

Michelle, Victor, happy sa kanilang relasyon!

-
Hindi na kami magugulat kapag nabalik kay Dina Bonnevie ang role ni Yolanda, mother ni Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ai Di. May certificate of clearance ang actress galing sa kanyang attending doctor na nagpapahintulot for her to work again at ipagpatuloy ang shooting ng Regal movie.

Kaya, ‘pag siya pa rin ang nag-report sa pagre-resume ng shooting ng pelikula sa November 4, wala ng problema si direk Joel Lamangan na involved din sa paghahanap ng actress na gaganap sa role ni Yolanda. Kapag ‘di talaga pwede si Dina, sa shooting sa Saturday malalaman ang kanyang replacement.

Ibig sabihin, ire-reshoot ang one day shooting na kanyang ginawa na ang galing-galing pa naman daw nito at take one kinunan ang reconciliation scene nila ni Ketchup Eusebio na gumaganap na special child at kanyang anak sa movie.
* * *
Hindi naman siguro pinagseselos lang ni Jennylyn Mercado ang ex-boyfriend’ ng si Mark Herras dahil sa harap nito’y panay ang pisil sa pisngi at hinihipo ang muscles ni John Prats habang break-time sa pictorial ng SuperNoypi. Nagbiro na nga si John na tsinatsansingan siya ni Jennylyn pero, ayaw pa ring tumigil ang dalaga’t nakyu-kyutan daw siya sa actor.

Pangiti-ngiti lang si Mark habang nakatingin sa dalawa. Wala nga naman siyang karapatang magselos at alam na taken na si John. Nasa pictorial nga ang non-showbiz girlfriend nitong si Miakka Lim na kilala raw ng mga kasama’t dumadalaw din sa shooting nila.

Dedma rin si Mark sa narinig na sinabi ni Jennylyn na between them, ang dalaga ang unang naka-move on after their break-up. Pansin lang namin, hindi sinagot ni Jen kung may kapalit na ang ex sa puso niya at kung si Patrick Garcia ‘yun.

Sina Jen at Mark pa rin ang magka-loveteam sa SN pero, ang ikinatutuwa ng dalawa’y hindi focus sa loveteam ang istorya ng pelikula. Hindi rin daw kailangan ang kilig scenes kaya, 3 percent lang nito ang meron. Ang focus ng movie ay kung paano nila isi-save ang mundo sa masasamang tao gamit ang kani-kanyang powers.
* * *
Mag-18 pa lang si Michelle Madrigal this November (‘di namin alam ang exact date ng kanyang birthday) pero, ang boyfriend niyang si Victor Neri, kundi man 30 years old ay nearing that age. More or less, 11 to 12 years ang age gap nila at mukhang, ‘di ito sagabal sa kanilang almost two months relationship.

Bandang August nagsimula ang relasyon ng dalawa sa Nivea Party sa Shangri-La. Marami ang nakapansin noon na nang umalis si Victor, kasunod na niya si Michelle and after a few days, item na sila. Ngayon, kahit saan makita’y very sweet ang dalawa at hindi nila itinatago ang pagiging sweet kesehodang nabibiro si Victor na cradle snatcher.

Saka, parang nakabuti kay Michelle na older ang boyfriend dahil matagal na siyang hindi naiintriga. Trabaho at si Victor ang priority nito at tuwang-tuwang masama sa cast ng MP 5 dahil madadagdagan ang ipon. Balak nito at ng kapatid na si Ehra Madrigal na magsama sa isang tirahan next year para sila’y mas makatipid.
* * *
Sa Friday episode ng Captain Barbell, magiging super hero na rin si Levi (Patrick Garcia) dahil inilipat sa kanya ang barbanium na galing sa katawan ni Boris (JC de Vera). Excited na maging super villain si Levi para malabanan si Captain Barbell. Matagal nang hinihintay ng fantaserye ang kanyang paglabas bilang super villain na tiyak, naka-costume rin.

Susubukan naman ni Mercurio (John Lapus) na ipasok ang kamay niya sa katawan ni Captain B (Paolo Bediones). Hindi siya nagtagumpay dahil nagtulong sina Captain B. at Mrs. B (Angel Aquino) na isaksak ang kamay nila rito, dahilan para sumabog si Mercurio. – NITZ MIRALLES

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ANGEL LOCSIN

BANDANG AUGUST

CAPTAIN B

CAPTAIN BARBELL

DINA BONNEVIE

EHRA MADRIGAL

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with