Ka-batch niya sa StarStruck ang patuloy na naninira kay Katrina!
November 2, 2006 | 12:00am
Ayaw banggitin ni Katrina Halili kung sinong youngster ang naninira sa kanya at nagkakalat ng mga malisyang balita tungkol sa kanila ni Paolo Contis.
Naklaro na niya ito nung presscon ng launching movie niyang Gigil at muli na namang naungkat sa kanya nung cast pictorial ng SuperNoypi na tila ikinairita niya.
"Kasi po hindi naman totoo, eh. May naninira lang sa akin, hindi ko alam kung naiinggit siya o sadyang naninira. Huwag na lang po nating pag-usapan," pakiusap ni Katrina.
Marahil ang pagkakaroon ng launching movie ng sexiest woman in Asia ng taong 2006 ang ikinaiinggit sa kanya, bukod pa sa ilang tv projects niya sa GMA 7. In fairness, super sexy naman talaga si Katrina at kitang-kita iyon sa kanyang outfit sa SuperNoypi, ang kanyang curvaceous body.
Pero sitsit sa amin ng ilang kasamahan sa panulat na ka-batch daw ni Katrina sa StarStruck 1 ang naninira sa kanya dahil nga sa umpisa palang ay may conflict na sila.
Maraming viewers ang naiinggit sa mga scholar ng Pinoy Dream Academy lalo na yung mga gustong matutong kumanta dahil libreng natuturuan ang mga scholar ng The Company led by voice master Moy Ortiz.
Oo nga naman dahil mahal ang serbisyo ng nasabing grupo kapag nagpabayad sila dahil yun ang pinaka-sideline nila.
At para sa mga hindi maka-afford ng serbisyo ng grupo ay may bagong video na Sing Like A Champion ang Viva Video na mismong The Company ang magtuturo ng ibat ibang techniques ng tamang pagkanta. Kasama rin siyempre ang tunay na champions na sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go at ituturo rin nila ang kanilang techniques kung paano sila nagwagi sa singing contest na sinalihan nila.
Walang kumukwestiyon sa galing ng grupo ni Moy, pero kapag dumarating na ang performance night ng PDA scholars every Saturday ay abut-abot ang kaba ng The Company dahil kung hindi nakuntento ang jurors sa performance ng bawat scholar ay sa kanila nagri-reflect, "Siyempre kasi sina Moy yong voice coach nila, so kung palpak, meaning palpak din ang turo nina Moy," esplika ng taga-Dos.
Kaya pala kapag napipintasan ang performance ng bawat PDA scholar ay napapangiwi si Moy at nakasimangot at mas lalo raw siyang natsa-challenge.
Hindi binanggit sa amin kung sinong jurors ang medyo kinatatakutan ng scholars, pero duda namin ay nangunguna sa listahan si Jimmy Antiporda na medyo brutal sa kanyang mga side comment.
Before the year ends ay uumpisahan nang mag-taping nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ng kanilang 2nd soap drama na ang pagkakaalam naming titulo ay Isabela mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.
Samantala, excited na ang host ng Philippine Idol kung sino ang tatanghaling first PI dahil habang pakonti nang pakonti na raw ang natitirang finalists ay mas lalong nahihirapan na ang judges kung sino sa mga ito ang winner.
Sina Jeli Mateo at Arms Cruz ang natsugi last Monday night at as expected, mega-cry ang dalawa sa backstage.
Kung hindi babaguhin ang plano ay sa Araneta Coliseum gaganapin ang finals ng Philippine Idol sa December 11 ngayong taon.
As of now ay pito na lang ang natitirang finalists at itoy sina Gian Magdangal, Mau Marcelo, Apple Chiu, Ken Dingle, Miguel Mendoza, Pow Chavez at Jan Nieto.
Para sa amin ay si Mau ang may K na maging first PI dahil yung iba ay pawang may mga sablay sa bawat performance nila every week. At nagtataka lang kami kung bakit na-retain pa rin si Jan gayung super-duper sintunado siya sa kinanta niyang "Kailangan Kita" ni Ogie Alcasid kumpara kina Arms at Jeli? Ayaw ni Mamita ng ganyan. REGGEE BONOAN
Naklaro na niya ito nung presscon ng launching movie niyang Gigil at muli na namang naungkat sa kanya nung cast pictorial ng SuperNoypi na tila ikinairita niya.
"Kasi po hindi naman totoo, eh. May naninira lang sa akin, hindi ko alam kung naiinggit siya o sadyang naninira. Huwag na lang po nating pag-usapan," pakiusap ni Katrina.
Marahil ang pagkakaroon ng launching movie ng sexiest woman in Asia ng taong 2006 ang ikinaiinggit sa kanya, bukod pa sa ilang tv projects niya sa GMA 7. In fairness, super sexy naman talaga si Katrina at kitang-kita iyon sa kanyang outfit sa SuperNoypi, ang kanyang curvaceous body.
Pero sitsit sa amin ng ilang kasamahan sa panulat na ka-batch daw ni Katrina sa StarStruck 1 ang naninira sa kanya dahil nga sa umpisa palang ay may conflict na sila.
Oo nga naman dahil mahal ang serbisyo ng nasabing grupo kapag nagpabayad sila dahil yun ang pinaka-sideline nila.
At para sa mga hindi maka-afford ng serbisyo ng grupo ay may bagong video na Sing Like A Champion ang Viva Video na mismong The Company ang magtuturo ng ibat ibang techniques ng tamang pagkanta. Kasama rin siyempre ang tunay na champions na sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go at ituturo rin nila ang kanilang techniques kung paano sila nagwagi sa singing contest na sinalihan nila.
Walang kumukwestiyon sa galing ng grupo ni Moy, pero kapag dumarating na ang performance night ng PDA scholars every Saturday ay abut-abot ang kaba ng The Company dahil kung hindi nakuntento ang jurors sa performance ng bawat scholar ay sa kanila nagri-reflect, "Siyempre kasi sina Moy yong voice coach nila, so kung palpak, meaning palpak din ang turo nina Moy," esplika ng taga-Dos.
Kaya pala kapag napipintasan ang performance ng bawat PDA scholar ay napapangiwi si Moy at nakasimangot at mas lalo raw siyang natsa-challenge.
Hindi binanggit sa amin kung sinong jurors ang medyo kinatatakutan ng scholars, pero duda namin ay nangunguna sa listahan si Jimmy Antiporda na medyo brutal sa kanyang mga side comment.
Samantala, excited na ang host ng Philippine Idol kung sino ang tatanghaling first PI dahil habang pakonti nang pakonti na raw ang natitirang finalists ay mas lalong nahihirapan na ang judges kung sino sa mga ito ang winner.
Sina Jeli Mateo at Arms Cruz ang natsugi last Monday night at as expected, mega-cry ang dalawa sa backstage.
Kung hindi babaguhin ang plano ay sa Araneta Coliseum gaganapin ang finals ng Philippine Idol sa December 11 ngayong taon.
As of now ay pito na lang ang natitirang finalists at itoy sina Gian Magdangal, Mau Marcelo, Apple Chiu, Ken Dingle, Miguel Mendoza, Pow Chavez at Jan Nieto.
Para sa amin ay si Mau ang may K na maging first PI dahil yung iba ay pawang may mga sablay sa bawat performance nila every week. At nagtataka lang kami kung bakit na-retain pa rin si Jan gayung super-duper sintunado siya sa kinanta niyang "Kailangan Kita" ni Ogie Alcasid kumpara kina Arms at Jeli? Ayaw ni Mamita ng ganyan. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended