Bagong Korean Craze
November 2, 2006 | 12:00am
Talagang tanggap na tanggap ang anumang Korean dito sa ating bansa. Hindi lamang mga Koreanovela ang patok na patok, maging ang mga produktong galing sa bansang ito ay tinatangkilik na rin ng mga Pinoy, mula sa mga accessories, costume jewellery, garments, shows, handbags, toys at marami pang iba.
Isa na namang Korean craze ang kalolokohan ng mga Pinoy. Siya si Mina, tinaguriang Koreas Dance Diva. Darating siya ng bansa para magtanghal sa dalawang shows, isa sa Nob. 24, sa Araneta Coliseum at ikalawa sa Nob. 26, sa Clark Expo, Clarkfield, Pampanga. Parehong 8NG ang dalawang shows at guests niya si Christian Bautista.
Shim Min Ah sa tunay na buhay, unang nakilala si Mina nung 2002, nang lumabas ang kanyang "Rendezvous" album. Pangarap niyang maka-penetrate sa US at Europe at isa nang magandang simula ang pakikipag-tambalan niya kay rapper-producer Eagle E para sa kanyang bagong single na "Belly Dancer". Sinulat ito ni Eagle E at prinodyus sa Shlepp Studios sa London.
Simula na sa Linggo, 6NG, Concert at the Park ang pagpapalabas ng El Filibusterismo, isang pagsasadula ng nobela ni Jose Rizal na magsisimula 13 taon matapos mawala si Crisostomo Ibarra. Bumalik siya sa kanyang bayan bilang Don Simon, isang mayamang mag-aalahas. Gagamitin niya ang kanyang yaman para makahalubilo ang mga opisyal na Espanyol at malaman ang kanilang sekreto at pang-aabuso sa mga Pilipino. Balak niyang magsagawa ng isang rebolusyon para matigil na ang pananakop ng mga Espanyol sa kanyang mga kababayan.
Tampok sa dula ang mga artista ng The Actors Company, sa direksyon ni Soxy Topacio.
Ang El Filibusterismo ay pagtutulungan ng Gantimpala Theater Foundation at National Parks Development Committee. Para sa tiket, tumawag sa GTF Marketing Off. 8995445/8983503.
E-mail: [email protected]
Isa na namang Korean craze ang kalolokohan ng mga Pinoy. Siya si Mina, tinaguriang Koreas Dance Diva. Darating siya ng bansa para magtanghal sa dalawang shows, isa sa Nob. 24, sa Araneta Coliseum at ikalawa sa Nob. 26, sa Clark Expo, Clarkfield, Pampanga. Parehong 8NG ang dalawang shows at guests niya si Christian Bautista.
Shim Min Ah sa tunay na buhay, unang nakilala si Mina nung 2002, nang lumabas ang kanyang "Rendezvous" album. Pangarap niyang maka-penetrate sa US at Europe at isa nang magandang simula ang pakikipag-tambalan niya kay rapper-producer Eagle E para sa kanyang bagong single na "Belly Dancer". Sinulat ito ni Eagle E at prinodyus sa Shlepp Studios sa London.
Tampok sa dula ang mga artista ng The Actors Company, sa direksyon ni Soxy Topacio.
Ang El Filibusterismo ay pagtutulungan ng Gantimpala Theater Foundation at National Parks Development Committee. Para sa tiket, tumawag sa GTF Marketing Off. 8995445/8983503.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended