^

PSN Showbiz

Callalily, pangalan ng tinapay at hindi ng halaman

PARINIG NGA! - PARINIG NGA! Ni Lanie B. Mate -
Puro bagets pala ang bumubuo ng bandang Callalily na dinudumog ng mga kolehiyala sa kanilang mga gigs. Bagito mang ituring sa pagbabanda dahil isang taon pa lang ang kanilang grupo, pero umagaw na ito ng pansin sa music scene.

Bagama’t disiplina ang ipinaiiral ng grupo para maka-attend sila araw-araw sa kanilang klase habang sumasabak sila sa puyatan sa mga gig nila gabi-gabi, wish ko lang na hindi sila tuluyang agawin ng kasikatang tinatamasa nila ngayon at mairaos din nila ang kanilang pag-aaral.

Tulad ni Tatsi Jamnaque, 19 yrs old, (guitarist) ang nag-iisang nursing student sa grupo, tinatapos lang niya ang kanyang 3rd yr sa FEU at next year ay magsi-shift na siya ng Culinary Arts or HRM. Mahirap nga namang pagsabayin ang pagbabanda at  nursing course. Pero suportado pa rin si Tatsi ng parents niya sa desisyon nito na mag-shift sa halip na tumigil. Mahilig din naman si Tatsi sa pagluluto at mga pastries kung saan callalily ang paborito niyang tinapay na ipinangalan nga nila sa kanilang banda.

Wala ring angal sa kanilang struggle ang apat na members na pawang estudyante ng Conservatory of Music sa UST na sina Kean Cipriano, 18, major in voice, (soloist); Aaron Paul Ricafrente, 20, major in contrabass; (bassist); Alden Acosta, 18, major in percussion, (guitars) at Lemuel Belaro, 20, major in guitar base, (drummer).

May sinasabi rin ang kani-kanilang pamilya katulad ni Lem na anak mayaman na laging may baong chocolate dahil isang business manager ng isang chocolate company ang daddy nito. Si Aaron naman ay may position sa gobyerno ang mga magulang. Si Alden na mayro’n ding sariling sari-sari stores. Si Tatsi na parehong broker ang parents at si Kean na mayro’ng business garments ang pamilya.

Katulad ng title ng kanilang album na  "Destination" hindi nila alam kung saan sila dadalhin ng kanilang musika, pero patuloy silang magiging responsable sa hamon ng kanilang pag-aaral at pagbabanda.

Ang Callalily "Destination XYZ" album na naglalaman ng pop rock alternative na kanta na "Star," "Magbalik," "Pasan," "Foot Prints in the Sand," "Kung Kaya Ko Lang," "Sanctuary," "Cool Off," "Yakap," at "Take My Hand," "Takipsilim," at "Dream" ay release ng Sony BMG Recording.

AARON PAUL RICAFRENTE

ALDEN ACOSTA

ANG CALLALILY

CONSERVATORY OF MUSIC

COOL OFF

CULINARY ARTS

FOOT PRINTS

KANILANG

KEAN CIPRIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with