Direk Tikoy Aquiluz, hinahabol ang Lino Brocka, Lifetime Achievement Award!
October 31, 2006 | 12:00am
Ang ganda-ganda ni Pops Fernandez sa launching ng kanyang "Silver" album from Universal Records. She was in a black Rajo Laurel gown na bumagay sa kanya at elegante ang kanyang dating. Pinansin lang namin ang songs sa kanyang album na karamihan ay sad gayong, panimula ito sa kanyang 25th year sa showbis.
Ang paliwanag nitoy mas gusto ng mga Pinoy ang sad songs dahil nakaka-relate tayo at gusto rin niyat, nabibigyan niya ng tamang emotion. Kasama sa album ang composition ni Martin Nievera na "Still In Love With You" at ang "Friends" ng anak niyang si Robin Nievera.
May karapatan si Pops na ipagmalaki ang anak dahil maganda na ang compositions ay magaling pang kumanta. Tama siya sa pagsasabing may trace ni John Mayer ang boses at singing style ng anak.
Dahil malabo na silang magkabalikan ni Martin sa panganganak ng girlfriend nitong si Katrina Ojeda, ang tinatanong ng press kay Pops ay kung kailan siya muling mag-aasawa?
"Hindi ko alam at wala akong plano as of now. Maybe in the future but not now, Im not yet ready. Hindi naman ako na-traumatized sa nangyari sa marriage namin ni Martin. But I have to make sure. Sa ngayon, Im enjoying my single life, nag-iisa but not lonely," sabi nito.
Regular na uling mapapanood ng kanyang fans si Miriam Quiambao dahil host siya sa bagong programa ng GMA-7 na Palaban. Tatlo silang hosts dito pero, si Winnie Monsod lang ang kilala namin at yung isay dinidiskubre pa namin. Ang News & Public Affairs ng network ang producer nito at tikom ang mga bibig noon at walang hilig magbigay ng spoiler.
Hopefully, bago ito mag-pilot sometime in November, malaman na namin kung sino ang makakasama nina Ms. Winnie at Miriam sa nasabing show. Sa silhouette, maiksi ang buhok ng co-host so, either si Maki Pulido o si Pia Arcanghel.
Incidentally, nabanggit ni Paolo Bediones na babalik ang Pinoy Meets World nila ni Miriam pero, monthly na lang dahil mahirap gawin. Hindi namin ito natanong kung anong araw at anong time slot ito ilalagay.
May meeting ang ENPRES o Entertainment Press na nasa likod ng Golden Screen Awards for Movies and TV sa Friday. Isa sa agenda ay ang paghahabol ni director Tikoy Aguiluz sa Lino Brocka Lifetime Achievement Awards na yearly ipinamimigay ng club and this years awardee is director Mario O Hara.
Tumawag si direk Tikoy kay ENPRESS pres. Jun Nardo para ipaalam na ang CineManila na pinamumunuan niya ay 1999 pa may Lino Brocka Achievement Award. Mapag-uusapan ito ng maayos at di aabot sa kontrobersya ang isyung ito.
Hindi man kasing-controversial ng mga naunang guests ni Mo Twister sa kanyang radio show, maintriga rin ang guesting ni Tim Yap last Wednesday. Aliw kami sa sinabi nitong si Snooky, ang most plastic showbiz celebrity na kilala niya. Lagi raw itong nag-a-"I love you" at gusto siyang kuning ninong sa church wedding nito kay Niño Mendoza.
Heto pa, sa tanong kung sinong celebrity ang dapat umaming nagpa-plastic surgery? Ang sagot nitoy sina Donita Rose na ipinaayos ang armpit at sina Pops Fernandez at Gretchen Baretto na nagpa-inject ng collagen sa lips para magkaroon ng mala-Angelina Jolie lips. Friends niya ang tatlo at di magagalit sa kanya.
Ang paliwanag nitoy mas gusto ng mga Pinoy ang sad songs dahil nakaka-relate tayo at gusto rin niyat, nabibigyan niya ng tamang emotion. Kasama sa album ang composition ni Martin Nievera na "Still In Love With You" at ang "Friends" ng anak niyang si Robin Nievera.
May karapatan si Pops na ipagmalaki ang anak dahil maganda na ang compositions ay magaling pang kumanta. Tama siya sa pagsasabing may trace ni John Mayer ang boses at singing style ng anak.
Dahil malabo na silang magkabalikan ni Martin sa panganganak ng girlfriend nitong si Katrina Ojeda, ang tinatanong ng press kay Pops ay kung kailan siya muling mag-aasawa?
"Hindi ko alam at wala akong plano as of now. Maybe in the future but not now, Im not yet ready. Hindi naman ako na-traumatized sa nangyari sa marriage namin ni Martin. But I have to make sure. Sa ngayon, Im enjoying my single life, nag-iisa but not lonely," sabi nito.
Hopefully, bago ito mag-pilot sometime in November, malaman na namin kung sino ang makakasama nina Ms. Winnie at Miriam sa nasabing show. Sa silhouette, maiksi ang buhok ng co-host so, either si Maki Pulido o si Pia Arcanghel.
Incidentally, nabanggit ni Paolo Bediones na babalik ang Pinoy Meets World nila ni Miriam pero, monthly na lang dahil mahirap gawin. Hindi namin ito natanong kung anong araw at anong time slot ito ilalagay.
Tumawag si direk Tikoy kay ENPRESS pres. Jun Nardo para ipaalam na ang CineManila na pinamumunuan niya ay 1999 pa may Lino Brocka Achievement Award. Mapag-uusapan ito ng maayos at di aabot sa kontrobersya ang isyung ito.
Heto pa, sa tanong kung sinong celebrity ang dapat umaming nagpa-plastic surgery? Ang sagot nitoy sina Donita Rose na ipinaayos ang armpit at sina Pops Fernandez at Gretchen Baretto na nagpa-inject ng collagen sa lips para magkaroon ng mala-Angelina Jolie lips. Friends niya ang tatlo at di magagalit sa kanya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended