^

PSN Showbiz

Dina, malamang na operahan

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naka-one shooting day lang si Dina Bonnevie para sa entry ng Regal Entertainment na Mano Po 5: Gua ay Di (I Love You) dahil nagkaroon ito ng bleeding at isinugod sa ospital. Kailangan siyang maoperahan agad dahil napag-alamang may cyst ito sa obaryo.

Sa October 31 ay may syuting at hahanap na sila ng kapalit sa magaling na aktres. Unang nanghihinayang si Angel Locsin dahil first time niya sana itong makakatrabaho. Gaganap sana si Dina na mother ng magandang aktres sa Mano Po 5.
Handa Na Sa Kissing Scenes
Ibinalita ni Glaiza de Castro na nagkaroon sila ng kissing scenes sa TV show na Maynila ni Mike Tan.

"Sandali lang naman Tita dahil smack lang sa lips. Kaya naka-take one lang kami. Hindi pa ako handa sa passionate kissing scenes," aniya.

Sa mga kabataang artista, isa si Glaiza sa ratsada ang career. Bukod sa Fantastikids ay abala ito sa mga shows at pelikula ng Regal. Kasama rin siya sa ZsaZsa Zaturnnah.

Kumusta naman ang kanyang lovelife? Wala pa rin itong nobyo sa kabila ng pagkakaroon ng maraming non-showbiz suitors na puro nanggaling sa mayayamang angkan gaya ng anak ng isang businessman, anak ng congressman gayundin ang kapatid ni Pops Fernandez na si Joey.
Awiting Pang-Masa
Sino ang makakalimot sa awiting "Pasaway" na naging hit song ng J Brothers noong 2004. Matagal na rin ang magkakapatid na sina Jay, Jim at Joy sa recording scene at sa isang taon ay sampung taon na sila sa showbiz.

Noong mga teenagers pa lang sila ay pumirma sila ng 16-month contract sa Holland at sinundan ng 6-month stints sa Nigata at Yokohama sa Japan.

Nagtrabaho sila sa Graphic Arts Services at Philippine Animation Studio kaya naman naibuhos nila ang creativity at artistry sa paggawa ng CD album na nagpapakita ng kakatuwang caricatures nila.

Ang kanilang latest album na Kuro-Kuro Nina Kuya ay released under Ballyhoo Records.
Unahan Sa Puntod Ng Kayamanan
Isa na namang amazing challenge ang naghihintay sa mga bisita ng SiS ngayong Lunes sa episode ng Unahan sa Puntod ng Kayamanan. Bilang paghahanda sa nalalapit na All Saints Day, isang karera ang magaganap mula sa GMA Castrillo hanggang sa North Green Cemetery. Hahanapin ng dalawang teams ang nakabaong kayamanan sa North Green Cemetery.

ALL SAINTS DAY

ANGEL LOCSIN

AWITING PANG-MASA

BALLYHOO RECORDS

DINA BONNEVIE

GLAIZA

GRAPHIC ARTS SERVICES

MANO PO

NORTH GREEN CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with