Mayor Vi, pahinga muna sa pulitika
October 30, 2006 | 12:00am
Gusto na raw ng Star Cinema na gawin ni Mayor Vilma Santos ang mga pelikulang naka-line up niyang gawin sa kanila. Ang tsika, pinakiusapan itong magpahinga muna sa politics up to year 2009 para magawa na ang marami niyang pelikula.
Isa sa nabanggit na pelikulay kasama si John Lloyd Cruz at ito yata ang project na gaganap na bading ang actor. Ang last project daw ni Vilma sa Star Cinema ay pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta at matagal na itong hinihintay ng kanilang fans.
Hinihintay pa ng Star Cinema ang sagot ni Vilma sa kanilang request na ang political career nito ang makakapalit. Ano nga kaya ang mas papaboran nito, ang showbiz o ang politics? "Di ba ang balitay, tatakbo itong governor sa Batangas? Naku, marami nang naghihintay sa magiging desisyon ni mayor Vi.
Nagtuturuan sina Alessandra de Rossi at Jeremy Marquez kung sino sa kanila ang magsasabi sa press ng rason nang kanilang hiwalayan. Nag-uunahan din silang ipaalam kung ano ang nangyari at nag decide silang tapusin ang kanilang relasyon noong October 25.
Wala ring makapag-tanong kung isinoli ni Alex ang singsing na bigay sa kanya ni Jeremy nang magkabalikan sila before her birthday a few months ago. Bago pa man sila officially mag-split, di na niya isinusuot ang singsing na nawala raw at nasa ilog Pasig.
Curious tuloy kaming malaman kung kasamang isinoli ni Alex ang napakaraming birthday gifts ni Jeremy sa last birthday niya gaya ng CD collection ng favorite love songs niya, sewing machine at mobile phone.
Sa 3rd Golden Screen Awards, dapat magkasama silang magpi- present ng award sa isang category pero, dahil break na at nagdi-dedmahan, pinaghiwalay sila. Ang sister ni Alex na si Assunta de Rossi ang nakasama ni Jeremy na mag-present ng award at okey naman sila.
Ayaw sanang dumalo sa awards night ni Jeremy para makaiwas sa press. Napilit lang ito at isinama ang kapatid na si Wyn Wyn. Pero, pati ang kapatid, hindi binati ni Alex nang mag-abot sila sa lobby ng Grand Theater ng Casino Filipino.
Parang eksena sa pelikulang habang ini-interview si Alex, dumating sina Jeremy at Wyn Wyn at nang makita sila, biglang tinapos ng dalaga ang interview at pumasok sa loob. Nabaling kay Jeremy ang pagsagot sa mga tanong ng press.
Bukod kay Dolphy at sa kanilang mga anak and her family, dedicated ni Zsazsa Padilla ang napanalunang best actress trophy sa 3rd Golden Screen Awards (for Musical or Comedy) sa future generation ng mga Padilla. Kasama ng gabing yun ni Robin Padilla na nanalong best actor for the same category, ang dalawang pamangking anak nina Rommel at Royette Padilla.
Nasa showbis na si Karylle at papasok ang anak ni Robin na si Queenie at tiyak na marami pang Padilla ang susunod sa kanila. Hindi na mawawala sa showbis ang kanilang angkan.
Maganda rin ang sinabi ni Zsazsa na sinusuwerte tayo ngayon dahil pareho nga silang nanalo ni Robin na tito niya pala. Ang sagot ng actor pag umulan ang suwerte, tuluy-tuloy dahil gaya ni Zsazsa, sunud-sunod ang kanyang projects. Nagsama na sa Zsa Zsa Zaturnnah sina Zsazsa at Rustom Padilla, kelan naman kaya gagawa ng movie sina Zsazsa at Robin?
Ingat na ingat pa si Zsazsa at baka mabinat after her bladder grafting. Every three months, may kidney check-up siya para di na bumalik ang sakit. Sa November 12 ang balik niya sa ASAP at puwede na ring mag-dubbing para sa Zsa Zsa Zaturnnah Zee Mooveh.
Maganda ang build-up ng character ni John Lapus sa Captain Barbell. Siya ang parloristang si Mercy na magiging si Mercurio na gagawing clones niya ang mga umapi sa kanya. Pati si Captain Barbell ay ginaya nito at kundi dumating si Captain B (Paolo Bediones), isa na rin sanang Mercurio clone ang super hero.
Magtutulong sina Captain Barbell at Captain B na puksain ang kopya ni Mercurio at pati si Mrs. B (Angel Aquino) ay mapapalaban.
Isa sa nabanggit na pelikulay kasama si John Lloyd Cruz at ito yata ang project na gaganap na bading ang actor. Ang last project daw ni Vilma sa Star Cinema ay pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta at matagal na itong hinihintay ng kanilang fans.
Hinihintay pa ng Star Cinema ang sagot ni Vilma sa kanilang request na ang political career nito ang makakapalit. Ano nga kaya ang mas papaboran nito, ang showbiz o ang politics? "Di ba ang balitay, tatakbo itong governor sa Batangas? Naku, marami nang naghihintay sa magiging desisyon ni mayor Vi.
Wala ring makapag-tanong kung isinoli ni Alex ang singsing na bigay sa kanya ni Jeremy nang magkabalikan sila before her birthday a few months ago. Bago pa man sila officially mag-split, di na niya isinusuot ang singsing na nawala raw at nasa ilog Pasig.
Curious tuloy kaming malaman kung kasamang isinoli ni Alex ang napakaraming birthday gifts ni Jeremy sa last birthday niya gaya ng CD collection ng favorite love songs niya, sewing machine at mobile phone.
Sa 3rd Golden Screen Awards, dapat magkasama silang magpi- present ng award sa isang category pero, dahil break na at nagdi-dedmahan, pinaghiwalay sila. Ang sister ni Alex na si Assunta de Rossi ang nakasama ni Jeremy na mag-present ng award at okey naman sila.
Ayaw sanang dumalo sa awards night ni Jeremy para makaiwas sa press. Napilit lang ito at isinama ang kapatid na si Wyn Wyn. Pero, pati ang kapatid, hindi binati ni Alex nang mag-abot sila sa lobby ng Grand Theater ng Casino Filipino.
Parang eksena sa pelikulang habang ini-interview si Alex, dumating sina Jeremy at Wyn Wyn at nang makita sila, biglang tinapos ng dalaga ang interview at pumasok sa loob. Nabaling kay Jeremy ang pagsagot sa mga tanong ng press.
Nasa showbis na si Karylle at papasok ang anak ni Robin na si Queenie at tiyak na marami pang Padilla ang susunod sa kanila. Hindi na mawawala sa showbis ang kanilang angkan.
Maganda rin ang sinabi ni Zsazsa na sinusuwerte tayo ngayon dahil pareho nga silang nanalo ni Robin na tito niya pala. Ang sagot ng actor pag umulan ang suwerte, tuluy-tuloy dahil gaya ni Zsazsa, sunud-sunod ang kanyang projects. Nagsama na sa Zsa Zsa Zaturnnah sina Zsazsa at Rustom Padilla, kelan naman kaya gagawa ng movie sina Zsazsa at Robin?
Ingat na ingat pa si Zsazsa at baka mabinat after her bladder grafting. Every three months, may kidney check-up siya para di na bumalik ang sakit. Sa November 12 ang balik niya sa ASAP at puwede na ring mag-dubbing para sa Zsa Zsa Zaturnnah Zee Mooveh.
Magtutulong sina Captain Barbell at Captain B na puksain ang kopya ni Mercurio at pati si Mrs. B (Angel Aquino) ay mapapalaban.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended